Chapter 64

2204 Words

INANGAT ni Victoria ang intercom ng tumunog ang ringtone niyon. "President office. Good morning," bati niya nang sagutin niya ang naturang tawag. "Victoria." Pinagdikit naman niya ang ibabang labi ng marinig niya ang baritonong boses ni Francis mula sa kabilang linya. "Yes, Sir?" wika niya dito mayamaya. "It's almost twelve. Baba ka sa cafeteria at kuhanan mo ako ng lunch ko," utos nito sa kanya. Tumango siya kahit na hindi siya nito nakikita. "Anong gusto niyong ulamin, Sir?" tanong naman niya. Saglit itong hindi nagsalita, mukhang nag-iisip ito kung ano ang kakainin nito. "Ikaw na ang bahala," mayamaya ay sagot nito. "S-sir?" "I can't decide what to eat. Just look at the menu in the cafeteria. And order what you think is delicious," he said to her. Hindi naman niya na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD