"WHAT do you mean?" narinig na tanong ni Danielle kay Francis nang sabihin nito ang alaalang pumasok sa isip nito ng sandaling iyon. Hindi naman napigilan ni Victoria ang mapatitig kay Francis. Hindi nga din niya napigilan ang mapaawang ng labi dahil sa gulat sa narinig na sinabi nito. Napansin nga din niya ang pagpikit ng mga mata nito, mukhang inaalala ulit ang alaala na pumasok sa isip nito. "May pumasok na memorya sa isip ko. May tumatawag sa akin na Tatay," ulit na wika ni Francis. Hindi naman napigilan ni Victoria ang pagkabog ng kanyang dibdib habang nakatitig siya dito, nakaramdam din ng tuwa ang ang puso niya sa narinig na sinabi ni Francis. May naaalala na si Francis at alam niya ang maikling alaala na pumasok sa isip nito. At alam niyang walang iba kundi ang pagtawag ng k

