"VICTORIA." Napahinto si Victoria sa paglalakad nang marinig niya ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya. Galing siya sa karenderya malapit sa bahay nila lara bumili ng sopas para sa kambal. At paglingon niya sa kanyang likod ay nakita niya si Agnes. Nagpatuloy naman ito sa paglalakad hanggang sa huminto ito sa harap niya. "Bakit, Agnes?" tanong niya dito ng tuluyan itong nakalapit. "Papunta sana ako sa bahay niyo. Pero nakita kita dito," wika nito sa kanya. "Hmm...may kailangan ka ba?" tanong naman niya dito. Tumango naman si Agnes. "May nabanggit kasi sa akin si David," umpisa nito. "Balak mo daw na lumuwas sa Manila para hanapin si Callum?" dagdag pa na wika nito. Hindi naman niya napigilan ang mapakunot ng noo sa narinig na sinabi nito. Paano kaya nalaman ni David

