Chapter 51

2314 Words

"ATE VICTORIA, wala pa din daw si Kuya Jun," imporma ni Victor sa kanya ng pumasok ito sa kwarto niya para ibalita iyon sa kanya. Hindi naman niya inutos na puntahan nito ang bahay ni Kuya Jun para tingnan kung naroon na ang lalaki. Mukhang kusang loob na ginawa iyon ni Victor para mapanatag ang loob niya kahit papaano. Isang tango lang naman ang isinagot ni Victoria sa kapatid niya sa sinabi nito. Isa na namang araw ang lumipas pero hindi pa din nakakauwi sina Callum sa Isla. Kahit na maraming nagsasabi sa kanya na huwag siyang mag-alala dahil uuwi din daw ang mga ito ay hindi pa din niya maiwasan ang mag-alala. Hindi naman kasi masisisi ni Victoria ang sarili kung mag-alala siya kay Callum, siyempre, wala siyang balita dito. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari dito sa Manila at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD