MAG-ISA na lang si Francis sa private room sa ospital na pag-aari ng kaibigan ng ama niya na si Tito Marcus. Nang puntahan siya ng mga ito sa ospital kung saan siya na-confine ay agad na inayos ang papers niya para i-transfer siya sa ospital ni Tito Marcus. Mas gusto ng magulang na do'n na lang siya sa ospital ni Tito Marcus dahil mas kilala daw ng mga ito ang doctor doon. At naroon din si Tito Trevor na isa ding doctor. Nang makarating nga sila doon ay agad na nagsagawa si Doc Trevor ng test sa kanya. At hinihintay na lang nila ang magiging result ng test niya. Lumabas lang din saglit ang magulang niya dahil kakausapin daw ng mga ito si Doc Trevor tungkol sa kanya. Umalis na din ang mga kapatid niya pero siguradong babalik ang mga ito mamayang gabi. Nalaman din niyang nasa probinsiya

