Becky's POV "Doc!" Napamulat ang mga mata ko nang marinig ang boses ng isang babae. Nilibot ko ang mga mata sa buong lugar. Puting kisame, puting dingding, at puting kurtina. Nilapitan ako ng isang doktor upang suriin, doon ko din napansin na may aparaturang nakakabit sa aking ilong. Hinawakan niya ang aking pulso at aking leeg at pagkatapos may inutusan siyang nurse habang nagsusulat sa isang papel. Doon ko naalala ang huling nangyari sa akin nang makita si Father Ignacio, Father Allan, at iba pang mga padre kasama si Lily at aking mga ka trabaho at si Eliseo sa kanilang giliran. Silang lahat nakatingin sa akin. May sinabi ang doktor kina Father Allan bago tuluyang umalis kasama ang isang nurse. Nakangiti namang lumapit sa akin si Lily at umupo sa upuan sa aking giliran. "Becky!" An

