Nakaposas ang kamay ni Jude, hawak hawak siya ng dalawang pulis habang binabaybay ang daan patungo sa kulungan. Napatingin siya sa mga nakakulong na mga kriminal sa bawat kulungan na nadadaanan niya. Nagsisiksikan, nagtatawanan, may nag bubugbugan na inaawat ng isang pulis, mayroon ding ipitan na tahimik lang ang nasa loob. Napapikit ang kanyang mata nang makita si Ryan at Vico sa iisang kulungan. Habang si Fajardo nama'y sa kabila. Si Niel ay dinala sa mas liblib na kulungan dahil madali siyang makawala. "Dito ka, Bonifacio!" Ani ng Pulis at tinulak siya papasok ng kulungan. Nakakunot ang kanyang noo at napatingin nang masama sa pulis bago tuluyang kinuha ang posas at sinara ang rehas. Limang kriminal ang nasa kulungan at ang isa nama'y natutulog. Hanggang ngayon, hindi mawala wala s

