KABANATA 31

1864 Words
Ilang oras ang ginugol nila upang makarating sa maingay na daan na puno ng sasakyan at mga building na bago sa paningin ni Adelaida. Ang pinagtataka niya'y ang mga matang nakatingin sa kanilang dalawa ni Stone na para bang kinikilatis ang bawat parte ng kanilang katawan. "Bakit sila nakatingin?" tanong ni Adelaida kay Stone. "Nakikita rin ba nila ang kadena?" "Nah, I don't think so," sagot naman ng lalaki. Tinignan niya ang kabuuan ni Adelaida. "Mukhang tinitignan nila ang suot mo." Napatingin naman ang babae sa suot nitong hospital gown. Hanggang tuhod ang kaniyang suot at wala itong undergarments. Manipis ang tela kaya kahit papaano'y nakikita ng mga tao ang nasa loob. Nang mapagtanto iyon, inilagay ni Adelaida ang kaniyang mahabang buhok sa harapan. "Naghihinala siguro silang ako'y hinalay mo," seryosong sagot ni Adelaida. Napasimangot naman si Stone. "You look like a patient, inakala siguro nilang takas ka sa mental," sabi naman ni Stone. Kumunot ang noo ng babae. "Mental? Ano iyan? Isa ba iyang nakakatakot na kulungan na puno ng mga Kastila?" Mahirap patawanin ang batong lalaki kahit ano pang gawin ng kaniyang mga kaibigan, ngunit sa babaeng kaharap ay natatawa siya sa kainosentehan nito. Pinigilan niya iyon at nagseryoso. "May boutique," sabi niya at tinuro ang tindahan na nasa harap. Maraming mga tindahang nakahilera sa tapat nila at iyon lamang ang nagtitinda ng mga damit. "Botik?" naguguluhang tanong ni Adelaida. Hindi siya sinagot ng binata at sa halip ay hinawakan ni Stone ang kamay nito saka tumawid sa daan. Hindi nakapaghanda si Adelaida sa ginawang iyon ni Stone. "Ano ba iyong may apat na gulong at mabilis tumakbo? May dalawa rin, may tatlo," tanong ni Adelaida. "Transportations," maikling sagot ni Stone. "Anong nangyari sa mga kalesa? Naubos na ba ang lahat ng kabayo sa Pilipinas noong giyera?" Mahinang tumawa si Stone sa tanong na iyon. "There are still horses, but cars are convenient and faster." "Cars?" tanong na naman ni Adelaida. Nainis siya sa di malamang dahilan. "Molesto! Marami pa akong di nalalaman!" Huminto sila sa tapat ng boutique. Unang pumasok si Stone at sumunod naman si Adelaida na hindi mapakali sa bagong hanging nalalanghap niya. Parang may kakaibang bango. "Kakaiba ang hangin na 'to, hindi katulad noon. Bakit biglang nagbago ang simoy ng hangin nang pumasok tayo dito? May kapangyarihan din ba ang may-ari nito?" Hindi na lang pinansin ni Stone ang sinabi ng dalaga tungkol sa aircon. Sa halip ay pinagtuunan niya ng pansin ang mga damit pambabae na naka-display. "Anong gusto mo?" tanong ni Stone. Napailing pa ang binata nang makita niyang nilapitan ni Adelaida ang aircon at inamoy-amoy iyon. Mabuti na lang at kaunti lang ang mga taong naroroon at abala rin sa pamimili ng damit. "Ginoo!" tawag ni Adelaida kay Stone. "Anong klaseng mahika ito? Binabago nito ang hangin! Baka mamaya'y nilalason na tayo!" "It's just an aircon," sagot ni Stone. Hinila niya si Adelaida papunta sa isang rack na puno ng mga bestida. "Pumili ka ng susuotin mo." Napakunot naman ang noo ni Adelaida habang inisa-isa ang mga damit. Halos lahat ay kulay bughaw at iyon ang paboritong kulay ng dalaga. Ngunit wala siyang mapili. "Wala bang baro't saya?" tanong niya. Umiling si Stone. "I told you, your era is over," sagot ni Stone. "Pumili ka o ako ang pipili para sa iyo." "Ikaw na nga bahala," sagot ni Adelaida at tinalikuran ang binata. Nang mapagtanto ang isang bagay, hinarap niyang muli si Stone. "Sandali, may pilak ka ba o tanso? Sigurado ka bang may maibabayad ka?" Ipinakita ni Stone ang kaniyang pera na nasa loob ng kaniyang wallet. Hindi pa rin makapaniwala ang dalaga sa nasasaksihan niya. Nasaan na ang mga bato't ginto? Nang abala si Stone sa pamimili, abala rin si Adelaida sa pagtuklas ng mga bagong bagay. Lumuhod siya at hinawakan ang sahig. Malinis iyon at makinis, bagay na ikinamangha ni Adelaida. "Ano bang klaseng bato ang ginamit para sa nakakamanghang sahig na ito?" tanong ni Adelaida sa sarili at hinawakan pa ang sahig. Nang hindi makontento, humiga ang dalaga sa sahig. "Tumayo ka nga!" sigaw ni Stone nang makita ang ginagawa ng dalaga. Pinagtitinginan ng mga tao ang dalaga. "Hindi mo dapat ako sinisigawan, mortal," naniningkit na sabi ni Adelaida. Binalewala iyon ni Stone at hinagis sa kaniya ang isang paper bag. Sinalo naman iyon ni Adelaida. Tinignan niya ang laman. Nakikita niya ang kulay bughaw na damit.  "May dressing room sa kanan," sabi ni Stone at itinuro ang silid. "Doon ka magbihis. Hihintayin kita." Naglakad naman si Adelaida papunta sa dressing room. Nang makapasok, isinara niya ang kurtina at nagulat pa sa repleksiyong nakita sa salamin. Hinawakan niya ang sariling repleksiyon. "Ayaw ko nang makakita ng pagtatapos ng isang henerasyon," sabi niya sa sarili. Hinubad niya ang suot na hospital gown. "Gusto kong matapos ang aking pagiging imortal ngayon." Sinuot niya ang bughaw na bestida. Isa iyong off-shoulder at above the knee. Binilhan rin siya ng panty at strapless bra ni Stone na ilang oras pa niyang inintindi kung paano suotin. "Maam? Maayos lang ba lahat diyan?" tanong ng saleslady na isang oras na naghihintay sa labas ng dressing room. Katabi nito si Stone na sobrang naiinip na. "Palabas na ako," sagot ni Adelaida at lumabas na ng dressing room. Napanganga sina Stone sa nakita. "What the f--" Hindi na pinagpatuloy ni Stone ang mura. Paano ba naman kasi, isinuot ni Adelaida ang panty sa ulo nito at ginawang kwintas ang bra. Napataas ang kilay ni Adelaida sa naging reaksyon nito. "Ano bang mali sa suot ko? Ikaw naman ang pumili ah?" Napakamot na lang sa ulo ang saleslady nang tignan siya ni Stone na para bang humihingi ng tulong. Naglakad naman papunta sa kaniya ang saleslady. "Hali ka maam, may mannequin po dito, tuturuan kita paano suotin 'yan," mahinahong sabi ng saleslady. Sumunod naman ang walang kaideya-ideyang si Adelaida. "Mannequin? Bakit parang nakakatakot ang tawag sa bagay na ito?" tanong ni Adelaida. Naweirduhan naman ang saleslady ngunit hindi na sumagot. "Get this off your head," sabi ni Stone at hinila ang panty sa ulo ni Adelaida. "Akala ko ba'y isa iyang kakaibang uri ng sombrero?" "No, it's for your treasure!" "Ano? Wala akong dalang ginto o kahit anong kayamanan." Napakamot sa ulo ang saleslady sa narinig na usapan. Gayunpaman, nanatili siyang propesiyonal sa ginagawa. "Ganito po suotin 'yan, madam." Tinignan ni Adelaida ang saleslady na sinuotan ang mannequin ng underwear. Tumango-tango pa ang dalaga. "Para pala iyan sa aking p********e," sabi ni Adelaida sa sarili. Napakamot ito sa sariling ulo. "Tonto! Marami pa akong hindi nalalaman sa mundong ito." "Bakit maam? Saan ka ba nanggagaling?" tanong ng saleslady. Napataas ang kilay ni Adelaida. "Sa kumbento, tsaka hindi maam ang aking pangalan, ako si Adelaida," walang emosyong sagot ni Adelaida. Napailing na lang si Stone. "Just put on your underwear," iritang sabi ng lalaki. Wala naman imik si Adelaida at pumasok sa dressing room. "Kakaibang mag-isip ang girlfriend mo sir, ah," sabi ng saleslady. Kumunot ang noo ni Stone. "She's not my girlfriend and will never be." "Edi kapatid mo 'yon?" "Does my blood look like it has some dumb particles?" "A-Ano po?" "Just mind your business," sabi na lang ni Stone. Tumahimik ang saleslady. Nang makalabas si Adelaida sa dressing room, nakahinga na ng maluwag si Stone nang makitang maayos ang kaniyang pagkakasuot. Hindi man niya aminin, nagmukhang isang diyosa ang babaeng kaharap. "Pakiramdam ko'y ako'y nakahubad," nakasimangot na sabi ni Adelaida. Hindi siya sanay sa manipis na kasuotan. Noon kasi ay ilang telang pinatong-patong ang suot nito. "It looks good on you, that's fine," sabi ni Stone. Nauna itong maglakad upang magbayad sa cashier. Nang makalabas sila, madilim na ang kalangitan. Hindi makapaniwala si Stone sa bilis ng oras. Hindi rin siya makapaniwalang kasama niya ang isang babaeng may kadena sa leeg at isang imortal. "Nasaan ba ang iyong tahanan, ginoo?" tanong ni Adelaida. "Malayo pa," sagot ni Stone at nang makakita ng jeep ay agad na pinara ito. Hinila niya si Adelaida at sumakay. Hindi naman siksikan kaya naging madali sa dalawa. Ngunit hindi naging madali kay Stone ang biyaheng iyon dahil sa hindi maitikom na bibig ni Adelaida. "A-Ang bilis ng transportasyong ito, ginoo!" sigaw ng babae. Kumapit ito sa inuupuan. "Parang ilang daang kabayo ang ginamit! Sobrang nakakatakot at nakakamangha!" "Ito ba ang modernisasyon? Hindi kapani-paniwala!" "Just shut your mouth, Adelaida," bulong ni Stone sa babae. Matalim siyang tinignan ni Adelaida ngunit nanatiling kalmado si Stone. "Nagmumukha kang baliw." Natahimik naman si Adelaida sa narinig. Gusto niyang sakalin ang binata ngunit hindi siya nagpadala sa naramdamang inis. Tumingin na lang siya sa daan at nilanghap ang hangin. Inalala niya ang kulturang nakagisnan. Pinagmasdan din niya ang mga taong nasa daan, may earphones sa tenga, may tumatawa habang may kausap sa cellphone, at may mga tahimik lang na naglalakad, bagay na ikinakunot ng noo ni Adelaida. Naaalala pa rin ba nila ang ginawa nina Ginoong Rizal, Mabini, maging ni Tandang Sora? Naisapuso ba nila ang simbolo ng ating watawat? Maging ang unang pagwagayway nito sa harap ng mga nabuhayang Pilipino? Napabuntong-hininga si Adelaida sa mga nakikita. Ang henerasyong ito ay tunay na pinagpala sa kalayaang natamo nila. Sana'y magamit nila iyon ng mabuti habang isinasaalang ang mga nagawa ng mga Indio noon. Dahil noon pa man ay ang henerasyong payapa ang matagal na pinaglaban ng sinaunang Pilipino. "Anong nangyari sa mga kalesa? Naubos na ba ang lahat ng kabayo sa Pilipinas noong giyera?" Mahinang tumawa si Stone sa tanong na iyon. "There are still horses, but cars are convenient and faster." "Cars?" tanong na naman ni Adelaida. Nainis siya sa di malamang dahilan. "Molesto! Marami pa akong di nalalaman!" Huminto sila sa tapat ng boutique. Unang pumasok si Stone at sumunod naman si Adelaida na hindi mapakali sa bagong hanging nalalanghap niya. Parang may kakaibang bango. "Kakaiba ang hangin na 'to, hindi katulad noon. Bakit biglang nagbago ang simoy ng hangin nang pumasok tayo dito? May kapangyarihan din ba ang may-ari nito?" Hindi na lang pinansin ni Stone ang sinabi ng dalaga tungkol sa aircon. Sa halip ay pinagtuunan niya ng pansin ang mga damit pambabae na naka-display. "Anong gusto mo?" tanong ni Stone. Napailing pa ang binata nang makita niyang nilapitan ni Adelaida ang aircon at inamoy-amoy iyon. Mabuti na lang at kaunti lang ang mga taong naroroon at abala rin sa pamimili ng damit. "Ginoo!" tawag ni Adelaida kay Stone. "Anong klaseng mahika ito? Binabago nito ang hangin! Baka mamaya'y nilalason na tayo!" "It's just an aircon," sagot ni Stone. Hinila niya si Adelaida papunta sa isang rack na puno ng mga bestida. "Pumili ka ng susuotin mo." Napakunot naman ang noo ni Adelaida habang inisa-isa ang mga damit. Halos lahat ay kulay bughaw at iyon ang paboritong kulay ng dalaga. Ngunit wala siyang mapili. "Wala bang baro't saya?" tanong niya. Umiling si Stone. "I told you, your era is over," sagot ni Stone. "Pumili ka o ako ang pipili para sa iyo." "Ikaw na nga bahala," sagot ni Adelaida at tinalikuran ang binata. Nang mapagtanto ang isang bagay, hinarap niyang muli si Stone. "Sandali, may pilak ka ba o tanso? Sigurado ka bang may maibabayad ka?" - Pagtatapos ng kabanata
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD