One week kaming nasa Paris para mag honeymoon bago bumalik ng Pilipinas. After that, naging busy na si Alex sa negosyo. Halos wala akong magawa sa bahay dahil may katulong naman kami. Wala rin naman akong trabaho dito sa bansa. Naisipan kong dalawin na lang si Maddy nang tumunog ang cellphone ko. Dadamputin ko na sana nang makita ko ang name ng caller. "Si mama!" Kinakabahan na dinampot at sinagot ang tawag. "Hello?" "How could you do this Catherine?!" Galit na sabi ni mama. "Getting married without me and your father?! Nakakalimutan mo na atang nag iisa ka naming anak." "Ma, let me explain." Nakikiusap kong sagot. "Aba! Dapat lang. Sunduin mo ako ngayon dito sa Manila hotel nang makapag usap tayo nang maayos." "What?!" Gulat kong sagot. "Manila hotel? Di ba nasa America kayo ma."

