Nagising ako nang wala sa tabi ko si Alex. Alas nueve na ng umaga. Siguro ay pumasok na siya sa opisina ng di man lang ako ginising. Kainis! Gusto ko siyang pagsilbihan bilang asawa sa anumang bagay di lang sa kama. Nag ayos ako nang sarili bago bumaba ng kwarto para pumunta sa kusina. Habang naglalakad ako palapit sa kusina ay nakarinig ako ng tawanan. Pagpasok ko ng kusina ay nakita ko si mama at si Alex. Nakaupo si mama sa harap ng lamesa habang may hawak na isang tasa ng kape. Si Alex naman ay may suot na apron at nagluluto. Napalingon ang dalawa sa paglapit ko. "Good morning honey." Unang bati sakin ni Alex sabay lapit sakin para halikan ako sa labi. "Bakit nandito ka pa? Di ba eight ang pasok mo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. "Honey, Im the boss. Kahit anong oras pwede akong

