CHAPTER 1
EMY SALAZAR
Maaga pa lang ay gising na ako.
Ramdam ko na agad ang init ng araw na unti-unting sumisilip sa bintana ng maliit naming bahay. Tahimik pa ang paligid, pero alam kong ilang oras lang—magiging buhay na naman ang buong aplaya.
Dahan-dahan akong bumangon para hindi magising sina Mama at ang dalawa kong kapatid. Kinuha ko ang supot ng mga paninda ko—mga shell bracelets, keychains, at ilang handcrafted na souvenir na ako mismo ang gumawa.
“Dapat mabenta ko lahat ‘to ngayon…” bulong ko sa sarili ko.
Kailangan. Kasi ako na ang inaasahan sa bahay.
Paglabas ko, sinalubong ako ng sariwang hangin ng dagat. Amoy alat, amoy buhay.
Naglakad ako papunta sa aplaya—at gaya ng inaasahan ko, kahit maaga pa, may mga turista na agad. May mga naka-bikini na naglalakad sa buhangin, may mga surfer na buhat ang board, at may ilan nang kumakain sa mga maliliit na kainan sa gilid.
“Emyyy!”
Napalingon ako sa pamilyar na boses.
Si Liza, ang kaibigan kong makulit at walang preno ang bibig, kumakaway habang may hawak na dalawang buko.
“Hoy, aga mo ah!” sabi ko habang papalapit sa kanya.
“Mas maaga ka kaya! O, inom ka muna,” abot niya sa akin ng isang buko.
“Libre ba ‘to?” taas-kilay kong tanong.
“Hindi, may bayad ‘yan. Isang ngiti mo lang,” sabay kindat niya.
Napailing ako at natawa. “Ang corny mo talaga.”
“Eh effective naman,” sagot niya sabay turo sa likod ko.
Paglingon ko—may dalawang foreigner na nakatingin sa amin… o sa akin?
Ay naku.
“Here we go again…” bulong ko.
Lumapit ang dalawa, parehong matangkad at halatang bagong dating lang.
“Hello,” bati nung isa, medyo hirap sa pagbigkas.
Ngumiti ako, professional mode agad. “Hello po, souvenir? Very cheap, very nice,” sabay pakita ko ng mga paninda ko.
Napangiti sila.
“How much?” tanong nung isa habang hawak ang bracelet.
“Fifty pesos lang po,” sagot ko.
Nagtinginan sila, tapos tumawa.
“Okay, we buy… ten.”
“Ten?!” halos mapasigaw ako sa gulat.
“Yes. For friends.” tugon nila.
Napanganga ako saglit bago ako natauhan. “Ah—yes, yes! Thank you, sir!” magalang kong sabi, habang nagmamadali akong ibinalot ang order nila.
Habang inaabot ko ang mga bracelet, hindi ko maiwasang mapangiti ng totoo. Isang bentahan pa lang malaki na agad.
“Ganda mo pala talaga, kaya ka sinuwerte,” bulong ni Liza sa tenga ko.
“Tumahimik ka nga,” siko ko sa kanya.
Pero sa totoo lang… masarap sa pakiramdam naa makabenta ako ng malaki. Kailangan kong makarami ngayon para pambili ng pagkain ng pamilyaa ko.
Habang nagpapatuloy ang araw, mas dumami ang tao. May mga batang nagtatakbuhan sa buhangin, may mga nagpi-picture, at may mga naglalasingan kahit tirik ang araw.
At ako? Paikot-ikot. Benta dito, alok doon. Ngiti kahit pagod na.
Hanggang sa may marinig akong tumawag sa akin.
“Miss.”
Napahinto ako. Ibang klase ang boses. Malalim. Malamig. Parang… may authority.
Dahan-dahan akong napalingon. At doon ko siya nakita.
Isang lalaki, nakasuot ng simpleng puting polo at shorts, pero halatang hindi siya basta turista lang. Maayos ang tindig, malinis ang itsura… at ang mga mata niya ay diretso lang nakatingin sa akin. Parang binabasa ako.
“Are you selling those?” tanong niya, sabay turo sa hawak kong souvenir.
Bigla akong natauhan.
“Ah—yes po. Handmade po lahat ‘yan,” sagot ko, pilit inaayos ang sarili ko.
Lumapit siya ng konti.
“Did you make them?” muli niyang tanong.
“Opo,” maikli kong sagot.
Saglit siyang natahimik, parang sinusuri ako… hindi lang yung paninda ko.
Then—
“I’ll buy everything.” sabi niya na ikinagulat ko.
Napakurap ako, hindi ako makapaniwala sa aking narinig.
“Po?” ulit ko.
“All of it,” ulit niya, kalmado.
“Pero… marami ‘to,” sagot ko, naguguluhan.
“That’s fine.”
Hindi ko alam kung matutuwa ako o kakabahan.
“Seryoso po ba kayo?” tanong ko, medyo napapailing.
Bigla siyang ngumiti ng bahagya, mas lalo akong kinabahan.
“I don’t joke about things I want.” sagot niya.
Parang may kung anong dumaan sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil sa saya… o sa kakaibang pakiramdam na ngayon ko lang naranasan. Sa likod ko, narinig ko si Liza na halos pigilan ang kilig.
“Emy… jackpot ka today,” pabulong niyang sabi.
Pero hindi ko na siya pinansin. Kasi sa harap ko ngayon… may isang lalaking parang hindi lang paninda ko ang gustong bilhin
"Sir, are you sure? You want to buy all of this?" tanong ko, hindi pa rin ako makapaniwala. "Sir, let me be clear ha, you only buy my paninda, tindera is not included." paglilinaw ko kahit hirap na hirap ako mag ingles.
Ngumiti siya sa akin, na parang nakakaloko.
"Okay, but you can come with me at my hotel room. I leave my money in my room, I'll pay you when we get there." sabi niya sa akin.
Bigla akong kinabahan. Bakit ako sasama sa kanya sa room niya? Ano akala niya sa akin pakarat?
Bigla akong natakot sa sinabi niya, alam ko na ang mga ganitong modus. Kunwari bibilihin lahat ng paninda kapag sumama ako sa kanya doon niya na gagawin ang masamang balak niya.
Mabilis akong nag isip ng pwede kong idahilan sa kanya.
"Sir, I—I'm not coming with you. I only sell souvenirs, but not my body," diretsahang sabi ko sa kanya.
Nakita ko siyang ngumiti ng bahagya, kaya para na namang nangangatog ang mga tuhod ko. Hindi ko alam kung tama ba ang english na sinabi ko sa kanya.
"Miss, I'm not what you're thinking; I just want to help you... nothing more, nothing less," sabi niya sa akin.
Napaatras ako ng konti, parang bigla akong nagising sa sinabi niya. Masyado ba akong judgemental at overthinker? Jusko hindi naman siguro natatakot lang ako sa safety ko.