Chapter 5
SAFE HAVEN
(TW: Attempted R*pe)
"Anak 'yon ng may-ari ng coffee shop, we're just friends. N-not that close." Ngumiti ako ng pilit at umupo sa sofa.
"I see. Bakit tahimik ka kanina sa kotse habang pauwi?"
"Nasagot ko na 'yang tanong mo." So, he didn't take my answer seriously.
Naupo rin siya sa sofa na kaharap ko. "Sorry, I felt like there's something bothering you. Kita ko sa mukha mo."
Wow! Ganon ako kadaling basahin? I cleared my throat. "Yung kasama ko kasi sa cafe..."
"Lily?" Umayos siya ng upo.
I slowly nodded. "Yeah."
"What's with her?"
"She said, she got a crush on you."
He smirk at saka tinignan ako sa mata ng seryoso. "Pakisabi kay Lily, thank you for admiring me, but I already have someone I like."
Napalunok ako ng wala sa oras. In game na naman ako sa pagiging assumera. "T-talaga? Wow, good for you." Humalukipkip ako. "Since we're getting close naman, may I know who's the lucky girl?"
Ngumiti siya showing his dimple, his deep blue eyes pierce into my soul. "I think, it's not yet time to reveal her. Sinisigurado ko pa ang tunay kong nararamdaman."
"O-okay." Umiwas ako ng tingin. "Gabi na, hindi ka pa ba uuwi?"
"Can I stay here for a few minutes? Ayoko pang umuwi." Nilingon ko siya and my eyes caught something. Yung kaninang mukhang okay, napalitan ng pagkabilasa.
"May problema ka?" Tumayo ako at nilapitan siya. Umupo ako sa kaliwang banda ng sofa sa tabi niya at tinapik ang balikat niya. Kita ko ngayon sa malapitan ang tattoo niya, judging it, parang matagal na 'to sa kanya.
He looked at me and gave me a weighty sigh. "I just wanted to have a normal life back then, but fate led me down a different path. I love what I'm doing, but I didn't expect that the thing I love doing would bring me so much pressure."
Huminga rin ako ng malalim. "Ang hirap naman mapunta sa sitwasyon mo." He softly chuckled. "Pero kung nakakaramdam ka ng pressure, bakit hindi mo binibitawan?"
"It's because... that is my passion. Natutuwa ako kapag nakikita ko ang mga taong masaya and hearing some of them telling you that you help them overcome their anxiety or depression, kahit pagod kang sumunod sa mga taong nakapaligid sayo marinig mo lang 'yon, gagaan na ulit ang pakiramdam mo."
"But, are you a hundred percent happy? Nakakapagbigay ka nga ng saya sa iba and you said you're also happy about it. Ngunit, subalit, dadapwat, masaya ka ba talaga?"
Natawa siya at uminat, he is avoiding my question. "I'll better get going." He tap my head. "Ingat ka dito, lock ― "
"Lock the door and the gate. Memorize ko na 'yan, Liam."
"Sira, I'll go ahead. See you, tomorrow." Kumaway lang ako sa kanya.
***
"Ate, nagkita ba kayo ni Mr. Pogi kahapon?"
She's currently watching me making the customers order at naisingit pa niya 'yon.
"Yap and sinabi ko rin na may crush ka sa kanya."
"OMG!" She squeals. "Ano sabi niya, ate? May pag-asa ba?" Nag b-beautiful eyes pa siya sa harap ko, kinalimutan na ata niya si Eclipse.
Inilagay ko na ang caramel frappe sa bilog na tray. "Unfortunately, sabi niya may gusto na raw siyang iba."
I saw how her reaction went from happy to sad. Kinuha niya yung tray at dinala na sa naghihintay na customer, na-guilty tuloy ako.
Tumunog naman yung phone ko and it's a text coming from Liam.
From: Liam
Hi Hanny! Hindi ata kita masundo mamaya, may urgent na meeting akong a-attend-an, pero pagkatapos naman 'non dadaan ako sa apartment mo. I'll bring snack. :)
Napangiti ako, bakit ganon? Kahit na sa maliit lang na bagay kuha na niya ako,
"Iba talaga kapag in love, napapangiti na lang ng wala sa oras." Nakahalumbaba si Lily sa counter. Bago ko siya sagutin ay ni-reply-an ko muna si Liam.
To: Liam
It's okay, mag co-commute na lang ako. Hindi ko na lang i-l-lock ang gate so you can easily get inside.
Pagkatapos kong mag-reply ay nilagay ko ang cellphone ko sa bulsa at hinarap si Lily.
"Lily, hindi ako in love." I didn't bother to get my phone when it vibrated.
"Okay, kunwari naniwala ako." She said it plainly. Medyo na off ako pero hinayaan ko na lang. "Pero ate, kapag magkikita kayo ulit ni Mr. Pogi, pakisabi sa kanya hindi ako susuko. Kung hindi ko magawang jowain si Eclipse, siya na lang siguro." Ngumisi siya.
She's unbelievable.
Nag commute na nga lang ako, buti na lang at may nasakyan pa ako. As what I texted to Liam, hinayaan ko lang ang gate na hindi naka-lock at pumasok na sa loob ng apartment.
Naligo lang ako at nagbihis ng pambahay, tinungo ko ang salas at dito ko na lang hihintayin si Liam. Sinandal ko muna yung likod ko sa sofa, akmang pipikit na ang aking mga mata ay may biglang kumatok. Si Liam na siguro 'to, I went to open the door and saw someone standing in front of me without a shirt on.
"C-caloy? Napadpad ka rito, alam ba ni Ate Amelia na pumunta ka rito?"
"Wala si inay sa bahay, nandito ako para hingin yung bayad mo sa upa." Amoy alak siya, nanlakbay ang mga mata niya mula sa ulo ko hanggang paa.
"Sa k-katapusan pa naman ako magbabayad. Masyado ka namang advance." I tried to loosen up my nerve dahil may kakaiba na akong nararamdaman. "Pakisabi na lang sa nanay mo."
Humakbang ako paatras at sinubukang isara ang pinto ngunit mabilis niya itong nahawakan.
"Ayaw mong ibigay?!" He moved his right foot forward at dahan-dahan na siyang pumapasok. Unti-unti rin akong humahakbang paatras. "Kung ayaw mong ibigay yung pera, patikim na lang."
Marahas niyang hinawakan ang braso ko at inilapit ako sa kanya. Kahit na napupuno na ang puso ko ng takot ay nagpupumiglas ako.
"B-bitawan mo 'ko! Ibibigay ko na yung upa, let me go!"
Iniwasan ko ang mukha ko ng akma niyang ilapit ang mukha niya sa akin.
"Caloy, bitawan mo na ako kung hindi tatawag ako ng pulis!"
Mas hinigpitan pa niya ang hawak sa akin. "Subukan mo, baka makita mo si San Pedro!" Tuluyan na niyang inilapit ang mukha niya sa leeg ko. Sinusubukan ko pa ring kumalas sa pagkakahawak niya ngunit hindi ko kaya ang lakas niya. "Ang bango naman ng kapit bahay namin. Bakit ba ngayon ko lang 'to naisip."
Humagulgol na ako ng maramdaman ang madahas na halik niya. "Parang awa mo na, tigilan mo na 'to."
Hindi niya ako pinakinggan, hinila niya ako at tinulak sa sofa. "Ang sarap ―"
'Di na niya naituloy ang sasabihin dahil bumagsak siya sa sahig. Nahampas pala siya ng bote ng soju sa ulo.
"Lakas ng loob mong pagsamantalahan ang kaibigan ko! Wala kang karapatan hawakan siya!"
Natawagan ko na agad ang mga tanod, pagdating pa lang ni Liam. Nang tignan ko sila ay pinatayo ni Liam si Caloy at tatangkaing suntukin. Pinuntahan ko sila at hinawakan ang kamay ni Liam.
"Stop it, Liam. Parating na ang mga tanod."
Galit ang nakita ko sa mga mata niya ngunit nag-iba ang ekspresyon niya nang dumating ang mga tanod. Dinampot nila si Caloy na medyo nahihilo, napalakas ata ang hampas ni Liam kanina.
"I told you, it's not safe here. Pero ang tigas ng ulo mo, tignan mo ang nangyari sayo." Sabi niya nang makalabas ang mga tanod kasama si Caloy. Hindi pala totoong wala sa bahay nila si Ate Amelia, sinadya pala talaga ng mokong na 'yon ang pumunta dito dahil may balak siyang masama.
Nakatayo lang ako sa gilid at nakayuko, pinunasan ko pa ang tumulong luha sa pisngi ko. I heard him cuss for the first time maybe because he is frustrated. Naramdaman kong palapit siya sa akin at huminto sa harap ko, he pulled me and hugged me tighly.
"Stop crying. I'm sorry for being late. Please, listen to me, Harmony. You need to move to a better place so that this incident won't happen again."
Niyakap ko rin siya ng mahigpit at pumayag na rin sa alok niya.