bc

Canvas and Melody (Arts & Love Series #2)

book_age18+
94
FOLLOW
1K
READ
HE
drama
bxg
city
addiction
like
intro-logo
Blurb

Sa maingay na kalye ng syudad ng Maravilla, sa amoy ng bagong timpla na kape at sa mga himig ng mga lihim na nais, si Harmony ay naipit sa isang mundo ng pag-ibig, sikreto, at pagtatraydor.

Sa pagtatrabaho sa isang maliit na coffee shop, biglang nagbago ang buhay niya ng makilala niya si Liam, isang kilalang sikat na singer na nakatago sa likod ng kanyang maskara at nakilala bilang Eclipse.

Habang namumulaklak ang kanilang pagkakakilanlan na humantong sa pag-iibigan, nabasag ang mundo ni Harmony dahil sa isang pagtataksil na nagpakalantad ng mga lihim at nagbanta sa kanyang buhay.

Pipiliin pa rin ba niya ang pag-ibig na dala ng epekto ng kasikatan o ang pag-ibig na tunay at nagbibigay ng kaligayahan?

This is written in Tagalog-English.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
This novel is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events, locales, organizations, or persons, living or dead, is entirely coincidental. All rights reserved. Copyright © 2024 No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the owner, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law. This is written in Tagalog-English. ======================================================================================== PROLOGUE "Good afternoon po! Welcome to Brewed Serenity Coffee Shop!" Kahit hapon na at simula pa lang ng linggo dahil Lunes ngayon, mataas pa rin ang energy ni Lily. Buti na lang siya ang naging kapalit nung lalaking kasama ko dito dati, na ang lamya kumilos. Siguro dahil pursigido lang 'tong kasama ko dahil narinig kong kaya siya nag-apply ng part time job dito ay dahil pangtustos niya sa pag-aaral niya. Graduating na kasi siya sa kursong AB Multimedia Arts. "Iced Cafe Mocha raw po ate Hanny!" Nakangiti siya nang lapitan ako at ibinigay ang maliit na papel kung saan niya sinulat ang order ng isang customer. Lumibot siya papunta sa tabi ko, pareho na kaming nakatayo sa likod ng counter. Wala pa naman gaanong customer ang cafe kaya eto hindi kami natataranta. Inihanda niya ang mga kakailanganing recipes habang nilalagay ko sa computer ang order upang ihanda ang resibo. "Tapos ka na?" Tumango siya. "Yap, ate. It's your turn now." Umusog siya ng konti, nakangiti naman akong nilapitan ang isang maliit na mesa kung saan niya nilagay ang mga recipes. Sa five years ko dito sa Cafe, ngayon lang ako nagkaroon ng kasama na nasiyahan talaga ako. Maybe because I graduated the same course as her, kaya pakiramdam ko we click immediately dahil sa isang bagay na pareho naming gusto, ang Sining. Ang gaan niya lang katrabaho, she is eager to learn talaga, masayahin, energetic at mapagkakatiwalaan. Pinapanood niya akong paghaluin ang two shots of espresso, chocolate syrup at malamig na gatas sa 16oz na cup. Kinuha ko ang ice cubes at hinalo doon sa drink at huli kong nilagay sa taas ng coffee drink ang whipped cream. "Perfect! Ang galing mo talaga ate, you the best!" Pagpuri niya sa akin na may palakpak pa na kasama. Napangiti na lang ako habang umiiling. "Dalhin mo na 'to sa customer natin." Kinuha niya ang tray kung saan ko nilagay ang iced coffee drink at naglakad na papunta sa customer. Nakipagchikahan pa siya doon, hinayaan ko na lang. She's been working here for almost two weeks already at gamay niya na halos lahat ng gawain. Sa tuwing pinagmamasdan ko siya araw-araw, napapaisip ako minsan. Buti pa siya sa edad na twenty-two ay parang alam niya na kung saan siya patungo. Kumbaga wala siyang takot magdesisyon para sa mga life choices niya, samantalang ako na twenty-seven years old na, 'di pa rin alam kung ano ba talaga ang gustong gawin para sa sarili ko. Hindi umuusad ang buhay ko at naka-stuck lang sa apat na sulok ng cafe na 'to. Maya-maya lang ay bumalik na si Lily sa pwesto namin kanina. "Ate, pwede ba magtanong?" Inilapag niya ang tray sa counter. Tumango ako. "Yap, ano 'yon?" I saw how she hesitate to ask me about the thought that is bothering her. "Sige na, itanong mo na." "A-ahm... nag-suggest kasi si Ms. customer." Ngumuso siya doon sa babaeng dinalhan niya kanina ng iced coffee. "Napapansin niya kasi na hindi masyadong dinadayo ang coffee shop natin dito, sayang daw kasi yung masarap na timpla ng kape tapos konti lang mga customer." "So, what did she suggest?" Nagtaas ako ng kilay. "Did you know ate na selecting the right background music sets the stage for memorable experiences and can help cement our cafe as a community's favorite spot? Sa palagay kasi niya mas dadami pa ang customers na pupunta dito kung magaganda ang mga kanta. I'm not telling na 'yong nasa playlist mo ay pangit but I guess let's change a bit? Babawasan natin yung mga old songs then add natin yung mga bago." Naningkit ang kanyang mata ng ngumiti siya. She has a point though, last month kasi nung nagpunta na ng abroad ang may-ari nito at sa akin ibinilin ang cafe, hindi ko na pinansin yung mga kanta, hands on pa naman yun when it comes to music, ako hindi masyado. Yes, I love music, but I guess music doesn't really love me. I crossed my arms in front of her. "Ano namang mga kanta ang ilalagay mo?" Lumawak ang ngiti niya at kumislap ang kanyang mga mata. "I'm going to add Eclipse's songs to our playlist. If it's okay to you?" Eclipse? Ngayon ko lang narinig ang pangalan ng artist na 'to. "Does it ring a bell, ate?" Napailing ako. "Sikat ba 'yan? Hindi familiar sa akin ang pangalan niya, eh." "Hay naku, ate! For sure magugustuhan mo ang mga kanta niya, marami na siyang kanta na pinasikat. Lahat ng 'yon nag top pa sa Billboard charts at sa music streaming sites, panigurado na dadami na ang customers natin dito. He's famous among students, sakto malapit lang dito ang Aurora Academy of Fine Arts. The students there, love and idolize him, kasali na ako." Impit siyang tumawa at mahinang tumili dahil sa kilig. So, lalaki pala siya. Hindi ba siya marunong pumili ng stage name? Medyo hindi ko bet. "Okay, fine! Pumapayag na ako." I smiled sincerely. Hindi na napigilan ni Lily at tumili na talaga, napatalon pa siya papunta sa akin upang yumakap. "You need to listen to his song. Ah! Yung isang kanta niya ngayon na nag-top one sa PH at Global Top Songs sa Spotify, 'Summer Love' ang title. Maganda 'yon ate, nakakakilig! Parang ako yung kinakanta niya." Ngumisi siya. Tumango-tango na lang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Humingi na siya ng go signal sa akin para ilagay yung mga kanta ng Eclipse na 'yon sa playlist namin. *** Nang sumapit nga ang alas-singko ng hapon at alam kong uwian na ng mga estudyante. Nagtaka ako kung bakit tuloy-tuloy ang pagpasok ng mga customers sa cafe, anong meron? Ang lawak ng ngiti ni Lily nang lapitan ako. "Omg, ate Hanny! See? It's working!" Ah, now I now. It's because of the song of that Eclipse guy. In fairness naman sa mga kanta niya, magaganda lahat pero yung ni-recommend ni Lily hindi ko pa napapakinggan. Saktong pag-play ng kasunod na kanta ay narinig ko ang mahihinang pagtili ng ibang mga estudyante na umiinom ng kanilang kape. Saw you standing there, under the summer sky, With a smile so bright, you caught my eye. Heartbeats racing fast, like a favorite song, With every glance you gave, I knew we'd belong. Sa first verse pa lang ay may sumasabay nang mga customer sa pagbigkas ng mga lyrics na 'yon. The song is catchy and soothing, kahit na ganitong genre ng kanta ang laging naririnig sa radyo, mapapansin pa rin ito ng mga music lover. It felt like he was singing from his heart and through the lyrics. Oh, the way you laugh, it's like a melody, Every word you say, feels like a dream to me. We're caught in a moment, just you and I, Underneath the stars, we're flying high. "Ate Hanny, 'yan na yung sabi ko sayo kanina. 'Summer Love' ang title ng kanta." She smiled and looked at her wristwatch. "Oh, off duty ko na pala. Kailangan ko nang pumasok sa klase namin. Kaya mo na ba mag-isa, ate?" She looks concerned. I nodded para gumaan naman ang loob niya. "Yap, don't worry. Kaya ko, ako pa?" Humagikgik siya. "Bawi ako bukas," Tinanggal niya na ang apron sa katawan niya. "Magpapalit na muna ako ng damit, ate." "Go ahead." Sabi ko at pinakinggan ulit ang kanta ng pumasok na si Lily sa staff room. Summer love, shining like the sun, Every day with you, is so much fun. Hand in hand, we're unstoppable, With you, my heart feels so full. His voice is like a calming melody, wrapping around me like a warm embrace. Every word he sings resonates with my soul, filling the shop with a magic only he can create. "Alis na ako, ate! See you tomorrow!" Lily waved her hand, and I did the same. Kasabay ng paglabas niya sa main door ng coffee shop ay ang pagpasok ng isang lalaking naka gray hoodie at sweatpants, may suot pa siyang salamin sa mata. Umupo siya sa left side corner, kitang kita ko siya sa aking kinatatayuan. He looks mysterious, natatakot tuloy akong lapitan siya baka masamang tao. Panay na ang tingin niya dito, naku! Anong gagawin ko? Bahala na si batman! I slowly walked towards the table where he seated. Hinanda ko ang ballpen at ang maliit na papel. "G-good evening, sir. M-may I take your order?" "Caffe Americano." Simple niyang sagot. Wala man lang kabuhay buhay. "Copy, sir! It will take 5 to 10 minutes then hatid ko na po yung order dito." Tumango lang siya, nagtungo na ako sa counter ko para gawin ang in-order niya. Another song played and I guess kay Eclipse rin 'yon. Matapos kong matimpla ang Caffe Americano niya ay dinala ko na ito sa table niya. "Thank you." Ngayon ko lang narinig ng buo ang boses niya. He sounded hoarse. Iniwan ko siya doon at kinalikot ko na lang ang phone ko. Hindi gaya kanina ay kumonti na lang ang mga customer at sa natirang mga tao sa loob ng coffee shop na ito nararamdaman ko ang tingin ng isa sa kanila patungo sa akin. He's quietly drinking his coffee pero napapansin ko talaga ang titig niya sa direksyon kung nasaan ako. It's almost 7PM ng gabi ng tuluyan na siyang umalis, siya ang pinakahuling lumabas. As I went to his table and cleaned it, napansin ko ang isang ply ng tissue paper na naka ipit sa ilalim ng baso. I'm sorry if I acted rudely, napagod lang ako sa ginawa kong mga activities kanina. By the way, your coffee is delicious, and the song choice is great! Would you mind if this is my go-to coffee shop from now on? Napangiti ako, hindi naman niya kailangang magpaliwanag but since he seems polite naman kahit parang may tinatago siya, pinuri pa niya ang ginawa kong kape at ang background music na pinapatugtog namin, then why not? Let this coffee shop be his go-to coffee. *** TO BE CONTINUED  Tunghayan ang kwento ni Harmony Kate Serrano at Liam Isaac Dizon sa kanilang paglalakbay tungo sa pagkamit ng kanilang totoong hangarin at tunay na pag-ibig.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook