Chapter 1
THE MASKED SINGER
"Good morning, Lily!" masigla kong bati sa kanya habang naglilinis ng mga mesa. Alas otso pa lang ng umaga at kailangan by 9AM nakahanda na lahat sa cafe bago man may dumating na customer.
"Morning ate Hanny."
Taliwas sa pagbati ko sa kanya parang matamlay siya ngayon. Hindi naman siya nawawalan ng energy lagi, nakakapanibago.
I stopped cleaning the table and checked on her after she went into the staff room. Sinusuot na niya ang kanyang apron at ang hairnet. Nagagandahan talaga ako sa blunt haircut niya, na-me-maintain niya yung sigla ng buhok, samantlang yung medium length hair ko palagi ko lang tinatali dahil walang time mag hair care. Sunod naman niyang ikinabit ang name plate niya.
"Okay ka lang? May nangyari ba?"
"Ate... —" hinila niya ang isang upuan. Padabog siyang umupo doon at naghalumbaba. "Dapat a-attend ako ng event ng boyfriend ko mamaya, eh."
"B-boyfriend? May boyfriend ka na?" Teka, sabi niya sa akin last time single siya tapos ngayon may boyfriend na?
"Oo, si Eclipse ate!"
Oh, okay. Yung idol niya pala ang tinutukoy niya, akala ko pa naman kung sino na.
"Tapos? Nagkaproblema ba?"
"Hindi matutuloy yung event!!! Na re-schedule." She acted childishly. "Na cancel daw ng last minute dahil napaos."
Tinapik ko ang balikat niya. Ibang klase rin pala 'to mag-fangirl, sobrang dedicated. Kung ganito lang din sana ako ka-dedicated sa pangarap ko tiyak na wala ako rito ngayon.
"Okay lang 'yan, Lily. Marami ka pang pagkakataon na makita siya. As a fangirl, siguro naman kailangan mo rin siyang intindihin dahil tao rin siya at nanghihina rin ang katawan." Paliwanag ko.
"Sayang lang kasi ate, eh. Pero may point ka rin naman." Tumayo na siya at ini-connect na ang phone niya para i-play ang mga kanta ng idol niya.
Naging abala kami halos buong araw, iba talaga ang hatak ng mga kanta nitong Eclipse, simula nung sinali na namin sa playlist ang mga kanta niya, dumami yung naging customers namin, ibinalita ko rin ang development ng cafe sa may-ari at tuwang-tuwa siya. At dahil 'don ay may inutusan siya para pagdalhan kami ng 'reward'.
"Hi, Hanny!"
"S-sir Jake?"
Kailan lang siya naka-uwi? Napatayo ako sa kina-uupuan ko at nilapitan siya, hinihintay ko na lang na mag 9PM at closing time na. Yung broken kong kasama, pinauwi ko na.
"'Di ba po kasama niyo si Ma'am Emily sa US? Bakit po kayo nandito?"
May nilagay siyang paper bag sa counter.
"Ano po 'yan?"
"Ito talaga ang na-miss ko dito, yung mga sunod-sunod mong tanong." He chuckled. Medyo nailang naman ako sa sinabi niya kaya umiwas ako ng tingin. "Huy, ito naman napakaseryoso. Nung isang araw pa ako dumating, naging busy lang kaya hindi ako nakadalaw agad dito. Sakto naman at may pinabibigay si mama kaya ako na lang ang nag-volunteer."
So, ito na siguro ang 'reward' na sinasabi ni Ma'am Emily kanina over the phone.
"Kamusta ka na? Nasaan pala 'yung kasama mo?"
Imbes na sagutin siya ay inalala ko na hindi ko pala siya pina-upo at in-offer-an man lang ng pagkain o maiinom.
"S-sir, maupo po pala muna kayo." Tinuro ko ang upuan na malapit lang sa kanya. "Titimplahan muna kita ng kape."
Inayos niya ang sleeves ng kanyang long sleeve polo at tinupi hanggang sa siko.
"As much as gusto ko pa mag-stay, kailangan ko na muna umalis dahil may meeting pa ako sa US investors namin. Dinaan ko lang talaga 'yan, next time na lang, okay?" Tinapik niya ang braso ko.
Tumango ako. "Sige po, ingat po kayo."
Ngumiti siya at tinalikuran na ako at lumabas na ng cafe. Hindi ko siya inaasahang makita ulit, mas lalo siyang gumwapo. Well, ikaw ba naman ang tumira sa ibang bansa for 18 years at magkaroon ng buhay na masagana, 'di talaga mahahalata ang stress sa mukha niya. Dinampot ko yung paper bag na bigay niya at tinignan kung ano ang laman.
Laking gulat ko ng makita na may dalawang t-shirt at keychain. Kinuha ko yung isa at tinanggal yung nakabalot na plastic at ng buklatin ko ang damit ay naroon ang naka-print na mukha ni Eclipse. Though hindi kita ang buo niyang mukha dahil naka side view ito at yung maskara niya ang pinapakita niya. I wonder why he wears a mask, ano kaya ang tinatago niya?
Natigil ang mga iniisip ko nang tumunog ang cellphone ko. Namilog ang mga mata ko ng makita kung sino ang tumatawag, ang owner ng isang art gallery kung saan lagi akong pumupunta kapag may free time ako, agad ko naman itong sinagot.
"Hello, Ma'am Naomi! Napatawag po kayo?"
"Hi Hanny! It's been a while, kumusta ka na? Hindi na kita nakikita sa gallery ko, my offer still stands baka nakakalimutan mo na." Medyo maingay ang lugar kung nasaan siya, hindi ko masyadong naririnig ang mga sinabi niya.
"I'm sorry Ma'am, hindi ko po narinig. Ano po ulit 'yon?"
"Wait -" Siguro lumipat siya ng puwesto. "Ayan, okay na ba? Naririnig mo na ako? Pasensya na, may party kasi dito sa bahay."
"Yan, opo. Okay na." tipid kong nasagot nang tumahimik na ang paligid.
"As what I'm saying, kumusta ka na? Kaya ba hindi mo na ako pinupuntahan sa gallery ko dahil hindi mo na tatanggapin ang offer ko?"
"Naku, hindi po. Busy lang dito sa coffee shop kasi sa akin iniwan ng may-ari, nasa US po kasi siya." Napahinga ako ng malalim.
"Basta, if you change your mind my gallery is very open."
Kinuha ko na ang bag ko para maghanda ng umuwi. "Ano pala sadya natin Ma'am Naomi?"
"Well, there's this charity event that I organize and it's going to be held tomorrow sa Horizon Hall and I want you to be there as part of the event staff."
"Po? E-eh, bakit ako?"
"Why not? Ikaw ha, nandyan ka na naman, tinatanong mo na naman kung bakit ikaw. Syempre, may tiwala ako sa kakayahan mo pagdating sa trabaho. Ikaw lang naman 'tong walang bilib sa sarili."
Awts, na real talk ako ni Ma'am Naomi.
"And FYI lang, ginawa ko ito because the event aims to fund the art exhibitions na gaganapin sa gallery ko next month. Kaya sige na, pumayag ka na."
Nag-aalangan ako sumagot, paano yung cafe? Iiwanan kong mag-isa si Lily dito? Eh, baka hindi niya kayanin.
"A-anong oras po ba yung event?"
"Mga 2PM onwards, promise mag-e-enjoy ka. I know you love listening to music, and I invited a famous singer, for sure kilala mo siya. Sino ba naman ang hindi?" Nahalata ko sa boses niya ang kilig. May idea na ako kung sino pero I want to hear it from her.
"Sino?"
"Si Eclipse!" Woah! Unbelievable, walang pinipiling edad ang mga kanta niya. Pati si Ma'am Naomi naging fan niya na rin. "I'm lucky because pumayag siya, siguro gustong bumawi dahil sa cancelled event niya na naka-schedule dapat ngayong gabi. So, payag ka na?"
"I'll think about it, tatawagan ko na lang po kayo bukas ng umaga." I smiled kahit hindi naman niya nakikita.
Narinig ko rin ang paghinga niya ng malalim. "Okay, hihintayin ko ang tawag mo bukas. Bye!"
Hindi na niya hinintay ang pag-end ng call at nauna na niyang pinatay ang tawag. Talagang pinagtatagpo kami ni Eclipse, ha, kung tutuusin mas naaayon 'yon kay Lily dahil makikita niya ang boyfriend niya.
***
"Talaga bang okay lang sayo na ako ang pupunta sa event na 'yon?"
Naikwento ko kay Lily ang tungkol sa charity event na mangyayari mamaya ngunit ikinagulat ko na tumanggi siya. 'Yon pala, may group project sila ng kaklase niya na kapareho ng oras ng event kaya hindi pa rin siya pwede. Kaya wala akong choice kundi ang pumayag sa alok ni Ma'am Noemi na maging isa sa staff mamaya. Tinawagan ko na rin si Ma'am Emily na half day lang kami pareho ni Lily at isasara namin ang cafe ng maaga. Good thing ay pumayag siya.
"Ate, 100 percent na okay, and marami pang events na naka-line up si Eclipse. Doon na lang ako babawi sa jowa ko." She giggled.
Sumapit nga ang ala-una ng hapon at nag-aabang na ako ng jeep, hindi naman malayo ang Horizon Hall pwede lang naman siyang lakarin pero ang init-init ng panahon baka pagdating ko doon ay naliligo na ako sa sarili kong pawis. Bigla namang may humintong Vios sa harapan ko. Ibinaba ng driver ang kanang bintana ng kotse.
"Miss Hanny Serrano?"
Tinignan ko ang magkabilang gilid ko at sa likod ko, wala namang ibang tao. Palayaw ko rin naman ang tinawag niya.
"Ako po?" Turo ko sa sarili ko.
"Wala ka namang kasama, Miss. So, malamang ikaw ang tinutukoy ko." Papilosopo niyang saad sa akin.
Aba, uma-attitude si kuya. Tinignan ko siya ng masama. "Eh, sorry. Naninigurado lang naman."
"Driver po ako ni Ma'am Naomi, pinapasundo ka niya sa akin."
Hindi ko na siya pinansin at sumakay na lang sa kotse. Later, I realized habang nasa daan na ay hindi ko man lang tinanong si Ma'am Naomi kung may pinapunta ba talaga siyang driver niya, mamaya niyan dalhin pa ako kung saan. Wala pa namang pang-ransom ang mga magulang ko, simple lang ang buhay namin sa probinsya. Pero nung nakita ko na papunta sa lugar ng event ay nakampante na ako.
"There you are! Kanina pa kita hinihintay." Niyakap ako ni Ma'am Naomi at iniwan ang babaeng kausap niya kanina. Maya-maya lang ay nakita kong may lumapit na lalaki doon sa babae na tingin ko ay isang staff din.
"Sorry po, medyo nag-atubili lang akong sumakay sa kotseng minamaneho ng driver niyo. Hindi ko po kasi nakilala." pagdadahilan ko. Lumingon naman sa amin ang lalaki at pag sinuswerte nga naman, yung lalaki pa lang lumapit sa babae kanina ay si Eclipse, the legendary masked singer.
Napansin din ni Ma'am Naomi ang pagtingin niya sa gawi namin kaya hinila niya ako palapit sa kanila.
"Mr. Eclipse, I want you to meet one of my favorite artists, who will also be one of the event staff tonight, Miss Harmony Kate Serrano."
Nahihiya akong ngumiti sa kanya at kinamayan siya. Si Ma'am Naomi naman kasi may pa-favorite artist pang nalalaman.
"Pleasure to meet you, Miss Hanny."
Paos pa rin ang boses niya ngunit tinaasan ko siya ng kilay ng marinig kong tinawagan niya ako sa nickname ko, paano niya nalaman? Ngayon lang kami nagkita, ah. Tatanungin ko na sana siya kung hindi lang siya tinawag ng kasama niya.