Napakunot-noo si Djora nang makita si Vicky na kaaalis lang sa office building ni Cavell mga bandang alas singko ng hapon. Kapaparada niya lang ng kanyang kotse. ‘Ano’ng ginagawa niya rito?’ Maintindihan niya kung sakaling makita man si Yara roon dahil nalaman niyang magkakilala ito at si Zef dahil galing sa parehong unibersidad dati. O kaya naman ay si Samuela dahil sa kinukulit pa rin sila sa planong spin-off show nila, umaasang magbabago rin ang isip nila. Pati producer at casting director ay kinausap din sila at nagbigay ng malaking offer ang taga-management. Pero si Vicky na medyo tahimik? Ang babaeng may pekeng balakang na iyon? Palihim lang pala iyong gumagapang sa boyfriend niya at malamang nagpapagapang ang lalaking iyon. Djora did not expect this. Inis siyang pumasok sa opi

