‘Punyeta!’ So hindi iyon ilusyon lang kahit na lilong-lilo na ang pakiramdam ni Djora. Nandito talaga ang boyfriend niyang two-timer! She wanted to smack him. Ngunit medyo dumoble na ang paningin niya kaya hindi siya sure kung matatamaan niya kung sakali mang maging bayolente siya. Sa kabila ng pagsaway ng binata ay ayaw niyang tumigil sa pag-inom. “Kanina pa ako paikot-ikot, ah! Pumunta ako sa apartment mo, wala ka roon. Hinahanap kita simula nang sinampal mo ako at iniwan. Hindi ko man lang alam ang kasalanan ko,” sabi ng lalaki. Malakas nitong inilapag sa mesa ang kawawang baso. Kung makapagreklamo sana ang baso, eh, baka sasabihin na nitong “Huwag naman ako ang pagbuntunan n’yo kung magkagalit kayo!” Oo, lango na siya at medyo lumabo na ang paningin pero malinaw pa rin ang pag-ii

