Naging maayos ang nakalipas na araw ko dito sa Santa Fe. Para hindi ako mabagot, ioinasyal ako ni Daddy sa mga pasyalan na makikita dito. Hindi naman kasing ganda ng Boracay ang mga dagat dito na napuntahan ko na noon at hindi mang kasingganda ng ibang bansa, kakaiba ang naramdaman ko noong magkasama kaming dalawa ni Daddy na namasyal. " Nakahanda ka na ba, Jemuel? " tanong ni Daddy sa akin. Napatingin ako sa may pinyuan at nakita ko siyang nakangiting nakatayo. Nakasuot siya ng pormal na puting damit, black pants na tinernohan niya ng black shoes. Matanda na rin si Daddy. May puting buhok ka na ring makikita pero sa tindig niya, masasabi kong malakas pa siya. Nilapitan niya ako at hinarap. Inayos niya ang aking damit. " Manang mana ka talaga sa akin, Jemuel, napakagwapo mo,

