Maraming mga bisita ang dumalo para sa pagdiriwang ng pagbabalik ng anak ni Roger na Samuel daw ang pangalan. Magagarbo ang kasuotan ng mga bisita. Halatang mga mayayaman ang mga ito ayon na rin sa mga galaw at pananalita nila. Meron din maririnig na maalumanay na musika na galing sa sound system na nasa gilid, ang mga magagandang palamuti ay halatang pinaghandaan para sa magaganap ngayon. Nagkalat din ang mga kulay dilaw na mga bulaklak sa paligid na siyang nagbibigay ng preskong pakiramdam at bango. Sa totoo lang ay parang pamilyar ang pangalang Samuel sa akin. Hindi ko lang alam kung saan ko narinig ang pangalan na iyan o may kilala ba ako at nakasama ko na ganyan ang pangalan. " Ayos ka lang ba, Jemuel? " biglang tanong sa akin ni Daddy na nakaupo sa aking tabi. " Bakit paran

