" Saan ba tayo pupunta, Marco? " nagtataka kong tanong sa kanya. " Kakain tayo tapos ay ipapasyal kita sa mga magagandang puntahan sa kabilang bayan, " sagot niya sa akin. " Pagabi na, Marco. Baka mag-alala si Lola kapag gabihin ako ng uwi, " sabi ko sa kanya. " Huwag kang mag-aalala, kapag hinatid kita ay ako pa mismo ang magpapaliwanag sa kanya kung bakit ka ginabi. Sabado naman bukas kaya wala naman sigurong problema, hindi ba? " paninigurado niya sa akin. Napabuntong hininga ako, " Meron pa ba akong magagawa? " tanong ko sa kanya. Tumingin at ngumisi siya sa akin nang tumigil ang sinasakyan namin, " Syempre, wala! " sabi niya at tumawa. Napailing na lang ako dahil sasinabi niya. Ilang saglit pa, nakarating kami sa isang kainan. Hindi man ito kaisng ganda ng mga reataurant

