" Bakit parang ang lalim yata ng iniisip mo, Jemuel? " biglang tanong sa akin ni Kelvin habang naglalakad kaming papunta sa Cafeteria. Napatingin ako sa kanya, " Ha? " " Para kasing may gumugulo sa iyo, meron ba? " tanong pa niya. Gumugulo sa akin? Si Marco lang naman! Tatlong araw na ang nakaraan noon una kaming magkasama at kumain s aisang kainan at nagpunta sa riverside. Sa tatlong araw na iyon, araw-araw niya akong sinusundo ng hapon at lumalabas kaming dalawa. Palagi niya sa aking sinasabi ang tungkol daw sa kanyang nararamdaman. " Dahil ba ito kay Marco, Jemuel? " si Joan naman ang nagtanong kaya napatingin ako sa kanya. " Bakit naman kay Marco? " nagtataka kong tamong sa kanya. " Alam mo ba na balita namin, pihikan sa babae iyon? Wala pa siyang naging kasintahan na n

