" Nauuhaw ako, " mahina at nahihirapan kong sambit. Agad na tumayo si Tanda para ikuha ako ng tubig na nasa gilid ng aking kama. Nagsalin siya ng tubig sa baso at pagkatapos ay agad niya akong pinainom. Nang matapos akong uminom, inilapag niya ang baso sa mesa sa gilid at muli siyang umupo sa aking tabi. " May masakit ka bang nararamdaman, Anak? Sabihan mo lang ako kung may kailangan ka, ah! " tanong at sambit ni Tanda sa akin. Napatingin ako aa kanya. Halatang halata ang puyat sa kanyang mga mata, siguro dahil sa pagbabantay sa akin dito sa hospital. " Ano ba ang nangyari? Bakit ako nandito sa hospital? " tanong ko sa kanya. Napabunting hininga siya at napayuko. " Noong sinundo kita mula sa pagkakahuli mo sa mga pulis ay naisipan kong dalhin kita dito sa peobinsya, Jemuel, "

