" Sasama ka talaga, Jemuel? " tanong ni Samuel sa akin. Nakahanda na siyang papunta sa bukid para tumulong sa pag-ani ng mga mais. " Oo,hintayin mo ako dito, Samuel at magpapalit lang ako, " sabi ko sa kanya. Mabilis akong nagtungo sa aming kwarto para magpalit ng damit ko papunta sa bukid. Humiram ako kay Nana Manda ng sumbrero at lumang long-sleeve para magamit ko. Paglabas ko ng bahay, nakita ko si Samuel na naghihintay. Lumapitbako sa kanya at sinabihan siyang handa na ako. " Sigurado ka, Jemuel, ha. Hi di kita pinipilit na sumama sa akin, " sabi niya sa akin. Ngumiti na lang ako at tumango sa kanya, " Gusto ko ring maranasan ang ginagawa niyo, Samuel kaya huwag kang mag-alala, " sagot ko sa kanya.. Naglakad na kaming dalawa na papunta sa bukid. Pagdating namin sa bukid, ainalub

