Pagkatapos ng aming klase, sabay-sabay kami nina Kelvin, Karlene at Joan na lumabas ng aming building. Paglabas naming apat, agad kong nakita si Marco na nakangiting naghihintay, nakasandal sa kanyang sasakyan at nakangiti. Nang makita niya kami, agad siyang naglakad palapit sa bungad ng aming building. Nginitian ko naman siya at nang makalabas kami, agad niyang binalak na kunin ang bag ko pero tumanggi ako. " Paano, Jemuel? Bukas na lang ulit," paalam ng mga kaibigan ko sa akin. " Tara na? " tanong niya sa akin. Hindi pa ako nakakasagot sa kanya nang biglang may magsalita sa aming gilid. " May pupuntahan kami ni Jemuel, Marco kaya kung ako sa'yo, umuwi ka na lang," sabi niya, si Samuel na seryoso ang kanyang mukha. Napatingin si Marco sa akin na para bang nagtatanong kung

