" Apo, bilisan mong mag-ayos ng sarili, may naghihintay sa iyo sa labas, " napatigil ako sa pag-aayos ng aking sarili sa harap ng salamin dahil sa sigaw ni Lola sa akin. Napatingin ako sa lalaking nakaupo sa kama na nagsasapatos na nakatingin din sa akin. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama at sumilip sa bintana. Napasunod naman ako sa kanya at nakita ko si Marco na nakatayo sa gilid ng kanyang sasakyan. May dala itong kumpol na bulaklak, nakangiti habang hinihintay niya ako. Napatingin ako kay Samuel. Iyong seryoso niyang mukha, nahaluan ng galit o inis dahil sa nakikita niya. " Anong ginagawa ng lalaking iyan sa ganitong kaagang oras? " may diing tanong ni Samuel sa akin. " Hindi ko alam, " kibit balikat kong sagot sa kanya. Naoailing siya dahil sa sinabi ko. Mabilis si

