Nakadilat pa rin mga mata ko. Kahit na malalim na ang gabi ay hindi ako dalawin ng antok. Nakatigilid ako at pinagmamasdan ang mukha ni Samuel na mahimbing nang natutulog. Hinahaplos ko ang kanyang malambot na buhok na para bang isang batang inaalagaan. Habang nakatingin ako sa kanyang mukha, hindi ko amiwasan kung paano ang una naming pagtatagpo. Hindi naging maganda ang una naming pag-uusap. Nagsagutan kami at pinili kong umalis na sana noon sa islang ito pero hindi nangyari. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinabi niya noon o hindi, na malakas ang kuryente ng dagat kaya delikadong pumalaot. Pero sa huli, wala din naman akong nagawa noong binuhat niya ako at ibinalik dito sa bahay ni Nana Manda. Nagkaroon nga kami ng kasunduhan noon, na kung magiging masunurin ako, magiging

