Sa maliwanag na bilog na buwan, sa malamig na hangung dumadampi sa aking balat, sa mga huni ng insekto sa kapaligaran, at sa init ng kamay ng lalaking nagpapasaya sa akin ay para bang nasa isang magandang Fairytale ako ngayon. " Sana ay hindi na matapos ang mga ganitong pagkakataon, Samuel, " sabi ko sa lalaking nasa aking tabi habang nakatanaw sa bilog na buwan. Ilang araw na ang nakakalipas noong nagdesisyon akong hindi na muna umuwi. Sa mga araw na nagdaan, ipinaramdam sa akin ni Damuel na tama ang naging desisyon ko. Ginawa niya ang mga bagay na hindi ko inaasahang mararanasan ko, ipinaramdam niya sa akin kung ano ang pakiramdam na may isang taong nagmamahal sa iyo. Kita ko rin ang saya ng mga tao dito noong makita nila akong hindi umuwi. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon

