Jamin came home after couple of minutes. Nagulat ako dahil may dala pa siyang meryenda na mukhang tinake-out pa niya. "Oh? Bakit ang aga mo ata? Hindi ka umattend ng klase mo Jamin?" tanong ni Tita Yolly sa kanya. Umiling si Jamin at dumiretso sa kusina. Dala dala ang plastic at mga plato ay nilapag niya ang binili sa mesa. "Hindi, Tita. Kumuha lang ako ng quiz tapos nagpaalam na sa propesor ko." sagot niya at sinalinan nang dalang pancit palabok ang mga plato. "Naku! Paborito ito ni Benjo. Sayang naman at kakatulog lamang niyan." ani Tita at ngumiti pa kay Jamin at sa akin na akala mo ay walang usapan kanina sa pagitan namin. "Huwag niyo na hong gisingin kung ganoon. Ipagtira na lang po natin para makain niya mamaya." sagot ni Jamin sa kanyang

