Sinalubong kami ni Rita para sa aming appointment. Nakanguso ako habang inaaalala ang pangyayari sa elevator. Panigurado na mapula ang aking pisngi dahil biglang uminit ang pakiramdam. "Thyrese." tawag ni Kuya Harry. Lumapit ako at hinalikan siya sa pisngi. Ngumiti siya sa akin at tiningnan si Jamin na nasa sa aking likuran. Naglahad siya ng kamay rito. "Attorney Harrison Louis Luna." Tinanggap ni Jamin iyon at seryosong ngumiti. "Benjamin Bueno." Nilahad na niya ang sofa kaya umupo kami doon ni Jamin. Si Rita naman ay nagpasok ng kape at lumabas rin. Umupo si Kuya na ang dalawang kamay ay nakasalikop. Binuksan niya ang kanyang laptop at tiningnan si Jamin. "I guess you have the voice statement from the victim?" tanong niya.

