Mabilis kong tinapos ang pagkain. Hindi ko alam pero kahit kaninang walang gana ay para akong nagkalakas na kumain. Masyado akong masaya para mag-isip pa ng kung ano. Iniinom ko ang tubig ng itulak ni Jamin papalapit sa akin ang ice cream na dessert. "Kumain ka pa." aniya. Uminit ang pisngi ko kahit na sobrang nonsense noon. Parang kahit anong marinig ko kay Jamin ay nakakakilig. Siya na mismo ang kumuha ng kutsara at nilagay iyon sa bowl ng ice cream. Nilahad niya ulit iyon sa akin. Hindi pa siya natatapos sa kanyang kinakain. "Magdessert ka. May gusto ka pa?" tanong niya. Umiling ako. "No, okay na ako sa nandito." sagot ko at inumpisahan nang kainin iyong ice cream. Nagpatuloy siya sa kanyang pagkain. Tumahimik muli ang aming mesa. Hind

