Pumasok ako at rinig ko na ang katahimikan. Maraming nakikiramay ang agad na dumapo ang mga tingin sa akin. Diretso kong tinahak ang living room kung nasaan ang pamilya Cepeda. Lumapit ako kay Nanay at nagmano sa kanya. Si Tatay naman ay nakahawak sa balikat ni Nanay para alalayan ito. Si Lola ay namumugto ang mga matang nakatingin sa kulay brown na kabaong. I sat beside Thyrene. Nakatulala lang siya sa kawalan. Pinisil ko ang kanyang kamay kaya napalingon siya sa akin. I gave her an apologetic smile and she just nod. "Hija, kumain ka na?" tanong ni Manang. Umiling ako. I am sleep deprived and hungry. "Halika, ipaghahanda kita sa kusina." anyaya niya. Umiling ako at ngumiti kay Manang. "Okay lang po. Mamaya na po ako kakain." sagot ko pe

