Nadismiss ang kaso dahil na rin sa kahilingan ni Meryl. Tumayo si Attorney Soraya matapos sabihin ng husgado ang desisyon. Ganun din ang ginawa ni Kuya Harry. Lumapit siya kay Attorney Soraya at naglahad ng kamay. "That was a good time, Attorney Gaisano." ngiti ni Kuya Harry. Mariin na tiningnan ni Attorney Soraya si Kuya Harry. "It was not nice bumping into you again, Attorney Luna." Sabi ni Attorney at hindi man lang nag-atubiling tanggapin ang kamay nito. Mabilis siyang tumalikod para daluhan si Andrei. Nakasunod ng tingin sa kanya si Kuya Harry at umiling. "Still the stubborn girl." Iling niya at hinarap ako. "You know her, Kuya Harry?" tanong ko. Ngumuso si Kuya Harry. "Acquaintances lang, Rese." Ngumiti ako at ni

