Just like what he told me, I've waited. Natapos ang ikalawang hearing. Nanatili pa rin akong nakaupo sa side ni Andrei. He told me he would respect it. There's a lead where Derek is. Nagpasend na rin si Andrei ng mga taong mag-uuwi sa gagong 'yon. Naghire si Andrei ng mga private investigator at ilang taga NBI para mauwi ng legal si Derek Fortalejo mula sa America. Bukas na ang ikatlong hearing at iyon na ang araw na magdedecide si Judge sa hatol. Tumunog ang telepono sa living. Sakto namang umiinom ako ng juice doon. Sinagot ko iyon. "Hello?" sagot ko. "Si Andrei ba ito?" tanong ng boses ng isang babae. Napatigil ako. "Uhm. Hindi po. Nasa munisipyo po kasi siya. Do you want me to tell him your message po?" tanong ko. Ngumuso ako sa katah

