"I like you. I don't know but I really like you." ulit ko dahil hindi man lang siya gumagalaw sa kinauupuan niya. Tumigil ang mundo ko roon. Mararahas ang kabog ng puso ko dahil hindi ko alam ang gagawin. There! I said it. Pero bakit ganito? Magtititigan na lang ba kami? Hanggang sa natapos na ang fireworks display ay hindi pa rin siya nagsasalita. Nag-iwas siya ng tingin at nginitian ako na para bang naaawa siya sa akin. Kinagat ko ang labi ko. Rejected ba ako? Bakit hindi siya nagsasalita? Hindi ko naman sinabing mahal ko na siya ah! Should I say that bilang kaibigan? Kasi ayoko ng ganito! Ayoko nang nararamdama ko. Tumayo ako sa pagkakaupo. Napatingin siya sa akin. Tumayo na rin siya at hinawakan ang kamay ko. "I'm sorry,Thyrese. I don't know how to react

