Umaga pa lang ay rinig ko na sa baba ang mga tao na nag-aayos sa mansyon. May mga lalaking inaayos ang mga tents sa garden. Pati na rin ang mga mesa at ilang mga ilaw. Nakasuot ako ng puting dress. Nakaponytail ang aking buhok at wala ni isang takas na buhok. Ngumiti ako sa salamin. Everything's set. Pagbaba ko ay pumunta ako sa kitchen. Abala sina Linda sa pagluluto. Nang makita nila ako doon ay agad silang naglabas ng pinggan at inalis ang mga may taklob na umagahan sa hapag. "Ma'am pasensya na po kayo at medyo makalat." pawisang sabi ni Linda. Pinagsalin niya ako ng juice ng mabilis bago nagpaalam dahil niluluto pa ang ilang pahabol na ulam. Alas sais pa lang ng umaga. Mamayang alas otso ay mag-uumpisa ang parada. Maagang umalis si Andrei. Siguro ay doon

