bc

The Groom's Bestman ( Completed )

book_age12+
2.2K
FOLLOW
5.8K
READ
drama
tragedy
comedy
sweet
no-couple
first love
friendship
illness
lies
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

I wish I could be his bride but I end up as his bestman.

I wish it was all a dream but It's happening.

I don't want to lose him but I can't do anything except for accepting the truth that my dream already ended.I need to wake up.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 The Wedding Day
(July 29, 2017) (Levy's POV) Hindi lahat ng babae ay nauuwing bride ng taong gusto nila. Kadalasan, iyong iba ay naging best lamang... Best friend... Best karamay... Best i-bully... Best utusan… Bestie... Best kainuman... Best paasahin... Best buddy… At marami pang iba. Pero ang malala at ang pinakamasakit sa lahat ng bests na iyan ay ang maging Bestman sa kasal ng taong itinuturin mong pinaka dabest sa lahat. Bago ang lintik na kasal na iyan ay gusto ko munang magpakilala sa inyo. I'm Levy Zamora, 26 years old at single pa rin.Iyan kasi ang napapala ng mga taong masipag maghintay. Yes, I am waiting even though there's no coming. Ang sipag, hindi ba? I was 18 years old nang maulila kaming pareho ni Vanz Ezekiel Pineda, ang secret boyfriend ko. Secret lang, kasi ako lang din ang nakaka-alam Sabay na namatay ang mga magulang namin sa isang car accident. Dahil pareho naman kaming ulila na at parehong nag-iisang anak din ay napagpasyahan namin na tumira na lang sa iisang bubong. Noong una ay hindi naman talaga kami ganoon ka-close kahit sobrang close ang mga parents namin. A head siya sa akin ng dalawang taon at dahil na rin sa magkabit-bahay kami ay siya na lang palagi ang naging kalaro ko noong mga bata pa kami. At noong naging teeneger na kami ay roon na nagsimulang magkaroon ng gap ang closeness namin. Maybe, dahil pareho na kaming malaki at nakahanap na ng mga bagong kaibigan. Isa na siyang magaling na architect ngayon at ako naman ay isa lang namang pasaway na may-ari ng isang cake shop. Maliban sa kagwapuhan nito ay puwede ko rin namang ipagmalaki ang katalinuhan niya. Kaya nga siguro sa sobrang talino nito ay si bruha ang napili niya. Yes, I'm talking about someone he decided to marry. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang seremonya kaya lahat ng tao na kasali sa seremonyas ay nasa kani-kanilang mga posisyon na nila. Sa nakikita ko ay mukhang ako na lang ang wala sa posisyon kaya ay nagsimula na rin akong akong pumunta sa tabi ni Ezekiel. Sinimulan ko nang ihakbang ang mga paa ko sa gitna ng aisle papunta sa altar sa mismong katabi ng groom. Infairness magaling ang wedding church decorator na napili nila. Magaganda ang mga bulaklak na napili nito. Kapag naglakad ka rito ay para ka talagang prinsesa. Hay, naku! Sigurado akong si Camille ang pumili ng ganitong disenyo. Mahilig kasi iyon sa mga princesses. Ang akala mo naman ay mukha siyang princess e hindi naman. Mukha kaya siyang si Ursula. Total mahilig naman siya sa purple na eyes shadows kaya ay bagay sa kaniya ang tawaging Ursula. Ang araw na ito ay magiging isa sa pinakamasayang araw ng buhay niya pero para kasi sa akin, ito na ang pinakamalungkot na araw sa buong buhay ko. Parang araw ng kamatayan ko ang araw na ito. Habang naglalakad ako sa gitna ay isa lang ang alam ko, ganito pala ang pakiramdam ng bride kapag naglalakad siya sa aisle na ito. Bigla ko lamang naisip na ganun sana ang mararamdaman ko kung ako ang bride niya, ngunit alam kung malabo na. Nagbabadya na namang papatak ang mga luhang ang akala ko ay naubos na. Iyon pala, extended pa. Parang text lang ano? May extension. Bigla itong napatingin at napangiti ng malapad sa akin. Puno ng paghanga ang nakikita ko sa mga mata niya kaya parang mas lalong gustong magsilabasan ng mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Seeing how happy he is right now makes me want to run away from this church. Gagawin ko iyon dahil automatic nang pumihit patalikod ang isa kong paa. "Siopao!" malakas na sigaw nito at dahil doon ay bigla akong nahimasmasan. Pumihit ako pabalik paharap sa kaniya. Hindi rin pala madali ang tumakas. Pero ang mokong na ito, hindi talaga marunong tumupad sa usapan. Akala ko last na kagabi na tawagin akong "Siopao" at pinagsigawan pa talaga. "Saan ka pupunta? Dito sa tabi ko ang puwesto mo." Ngumuso ito sa gilid niya. "Alam ko, abnormal," naiinis kong sagot sa kaniya pero sinadya kong hinaan na siya lang ang makakarinig nito. "May kukunin lang sana ako sa loob ng kotse ko pero mamaya na lang," palusot ko. "Maganda ka ngayon," komento nito. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa at tumawa siya kaagad. Abnormal nga talaga! "Sinong niloloko mo? Sino sa tingin mong babae ang sasaya kapag pinasuot mo ng ganito? Nagmumukha tuloy akong lider ng mga gangster. Ang weird mo rin e, ginawa mong bestman ang girl best friend mo." "Bakit, babae ka ba?" pang-aasar nito sa akin. Tiningnan ko siya ng masama at sumeryoso naman ito kaagad. Puno ng kahulugan ang mga titig nito. "Levy!" banggit nito sa pangalan ko. Medyo kinutuban ako kaagad ng hindi maganda. Binabanggit niya kasi ang tunay kong pangalan 'pag galit siya . Hinawakan nito ang kabilang kamay ko. "What?" nagtatampo kong sagot. "Simula sa araw na ito ay kailangan mo nang alagaan at sanayin ang sarili mo na mag-isa." "Alam ko," nababagot kong sagot pero kunwari lang. "Ilang beses mo na 'yan sinabi, mga 1000 times na po." "Pero this time, seryoso ako kaya makinig ka. Huwag mong kalimutan na e-lock ang pinto palagi kahit gaano ka pa ka pagod at ka-antok. Matulog ka rin ng maaga para hindi mo ma-skip ang breakfast mo dahil sa sobrang pagmamadali sa pagpunta mo sa shop. Iwasan mo rin na magpagabi dahil walang susundo sa'yo. Iyong payong...." "Teka nga," putol ko sa iba pa niyang sasabihin. "Ikakasal ka ba o mamamatay na? Ang dami mo kasing habilin. Okay lang kasi ako at kaya ko na ang sarili ko. Hindi na ako ang bata na lagi mong inalalayan 7 years ago." "Tinanggap ko na pala ang trabaho sa Singapore at baka doon na rin kami mag-stay ni Camille." "Oh, It's good to hear from you," kunwari ay natutuwa kong sabi pero ang totoo niyan ay masakit sa dibdib ko. Sobrang sakit! "Masaya ako para sayo. It's true. Maybe it's the perfect time for you to be happy by yourself. All this time kasi parang sa akin na lang umiikot ang mundo at oras mo. Palagi mo na lang akong inuuna, kaya siguro ngayon, panahon na naman na ikaw at ang bago mong buhay ang pagtutuunan mo ng pansin". "Next week na pala ang alis namin," medyo may halong lungkot na pag-iinform niya sa akin. "Namin?" piping tanong ko sa isip ko. So, hindi talaga magpapa-iwan ang bruhang iyon? Kapit-tuko talaga. "Huwag kang mag-alala dah magmemesage ako palagi sa iyo." "Kahit huwag na," kunwaring nagtatampo kong sabi. "Para hindi kita ma-miss pa nang sobra," mahinang bulong ko sa hangin. After few minutes, dumating na rin sa wakas ang bridal car. Sumenyas na ang usher na magsi-punta na kami sa kaniya-kaniya naming posisyon para makapagsimula na rin. Umayos na rin kaming dalawa. Minamasdan ko lang siya na mukhang kinakabahan sa biglang pagsulpot ng mga kaibigan namin. Hindi ang bride niya ang dumating ang nagsipag-datingan. Humahagos sa pagtakbo ang isa sa mga kaibigan namin na si Hazel at nakasunod pala sa kaniya sa likuran si Nougat, ang nag-iisang baklang kaibigan namin. Ito ang pangalawa na close ko sa mga naging kaibigan namin. "Kiel!" humihingal na tawag nito kay Ezekiel. "Si Camille...."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.1K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

His Obsession

read
104.8K
bc

ISAGAD MO, OH ISMAEL (SSPG)

read
5.8K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook