Levy's POV "Bff,halika na at kakain na tayo,"yaya ni Nougat sa akin para maghapunan na daw kami.Hindi ako sumagot .Nagmamaldita po kasi ang inyong bida. :) Nasa labas kasi ako ng gate namin ina-abangan si Unggoy sa pag-uwi.Pero sa loob-loob ko alam ko namang hindi iyon kakain dito. Napansin siguro nitong hindi ako sumasagot kaya nilapitan niya ako. "Diba nga ang sabi ay gagabihin siya sa pag-uwi dahil birthday ng close nilang instructor sa isang subject.Kaya kahit maubos ka na ng lamok diyan,gagabihin pa rin iyon sa pag-uwi.Kaya halika na at kakain na."Parang magulang ito na nagsesermon sa anak. "Ayoko kasi,"matamlay kung sagot sa kanya."Hindi ako kakain hanggat hindi ko makakatay ang unggoy na iyan ngayon.Dahil sa bruhang iyon,nagawa niyang magsinungaling sa akin."Nag-gagalaiti kung

