Ezekiel's POV 4:30 pa lang ng hapon naka-abang na ako sa labas ng eskwelahan niya. Sinadya kung maaga-aga pang makarating para hindi na kami gabihin sa pag-uwi. Nagpa-alam rin ako kay Tito na hindi muna ako papasok ngayong hapon dahil dadalawin ko ang nag-iisa niyang kapatid na babae,si Mommy. Nagsabi din ito na minsan dalhin ko naman si Siopao (Levy) sa restaurant niya. Wala kasing anak na babae ang Tita ko kaya magaan ang loob nito kay Siopao at isa pa,nami-miss na daw nila ang kadaldalan nito. Mukha daw itong anghel dahil sa sobrang magalang na bata. Hindi lang nila alam mas malala pa ito doon sa mga baliw sa mental! Kaya nga minsan naisip ko bakit kaya hindi na lang Psychiatrist ang kinuha kung kurso. Maiisalba ko pa sana siya. Tsk!Tsk! A few minutes later... Lumabas na rin si

