Chapter 4 Accidental kiss

1484 Words
(Levy's POV) Pagkatapos kong isampay ang lahat ng mga nilabhan ko ay pumasok na ako ng bahay namin. Pumunta ako sa aming munting tambayan kung saan ay pareho naming paboritong tumambay na dalawa. As usual, nandoon nga ito. Nagbabasa na naman ito ng libro habang naka-bukas ang TV. Sa sobrang sipag nito sa pag-aaral, ewan ko lang kung magkakalove life pa siya. Pero mas okay na nga 'yon eh. Ayaw ko naman talaga siyang magka-love life ano! Hindi na ako ang magiging bida kapag nagkataon. Hmmm...supporting cast na lang ang peg ko. Ganern? Hindi iyon puwede sa akin dahil kami lang dapat ni Kiel hanggang sa dulo. Nilapitan ko ito at tumabi ako sa kaniya. Saglit lang akong tinapunan ng tingin nito at ibinalik na ulit ang atensyon sa binabasa. I pouted my lips on dismay. Dahil bigo ako sa pagpapapansin sa kaniya ay marahan kong sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Naramdaman siguro nito ang ginawa ko kaya huminto ulit ito sa ginagawa niya. "Bakit ba?" malumanay na tanong nito. Alam na alam kasi nito na sa tuwing didikit ako sa kanya ay either malungkot ako or may gusto akong sabihin. "Unggoy?" Saglit ko siyang tiningala ngunit nasa libro na naman ulit ang atensyon nito. "Ayaw ko nang ituloy ang business management na kurso ko," malungkot na sabi ko. Bahagyang umarko ang isang kilay nito at makahulugan akong tiningnan. "Bakit na naman ba?" may himig ng paghihinayang sa boses nito. "Dahil mahina ang ulo ko sa Math," diretso kong sagot na hindi pa rin inalis ang mga titig sa kaniya. "Iyon lang?" tila hindi ito kumbinsido sa sagot ko. "Oo nga," ingos ko at umayos ng pagkaka-upo. "Sumasakit talaga ang ulo ko sa mga numerong nakikita ko sa araw-araw. Para silang sumpa, ayaw akong tigilan. Hindi naman kasi ako kagaya mo na matalino sa math.Siguro hindi talaga kami itinadhana na maging bestfriend ni Math," pagdadrama ko sa kaniya para hindi na ako nito ma sermonan pa. Sa totoo lang pang-ilang kurso ko na talaga ang management na ito eh. Una, nagtake din ako ng kursong BSEd, Major in Filipino, kaso, isang semester lang ang kinaya ko. Terror kasi ang professor namin sa mga major subjects. Parang kakainin ka niya nang buhay kapag nagkaklase siya. Iyong pangalawa, Nursing aide naman at isang semester lang din ang itinagal ko. Isa lang ang reason doon, may trypanophobia ako. Iyong may phobia sa injection or karayom. Ewan ko nga kung saan ko nakuha ang sakit na iyon. Basta, nararamdaman ko lang na hindi ko kayang humawak ng injection. Iyon lang iyon! Iyong pangatlo, ito na nga yung Business Management na sinasabi ko. Pero infairness naman, natapos ko naman ang isang taon. Iyon nga lang, dalawang subject ko lang ang nagkaroon ako ng 2.75 na grade the rest is 3 na. Sa totoo lang ay hindi ko naman talaga ginusto ang mga kurso na iyan eh. Isa lang naman ang dahilan kung bakit pinagdaanan ko ang mga ganiyang sakit sa ulo at iyon ay ang lalaking ito. Siya ang may sala. Paano naman kasi, gusto kong mabantayan siya laban sa mga babaeng lumalandi sa kaniya kaya kinaya ko ang mga ganitong sakripisyo. Bahala nang lumaki ang mga eye bags ko sa kaka-aral na wala namang pumapasok sa kokote ko, basta ba ay nariyan lang siya sa harapan ko at lagi ko siyang nakakasama sa araw-araw. Pero mukhang this time napagod na rin ako sa kakabantay sa kanya. Biro lang! Gusto ko na rin kasing makapag-tapos ng pag-aaral ko. Para na rin sa sarili ko. Gusto ko ring patunayan sa kaniya na hindi ako magiging pabigat sa kaniya, na hindi niya kailangang magdoble kayod para sa aming dalawa. Alam ko naman kasi kung ano ang dahilan bakit mas inuuna nito ang pag-aaral niya kaysa sa kaligayahan niya. Dahil iyon sa akin…dahil sa amin. Sabi kasi nito sa akin, kahit hindi man ako magiging successful balang araw ay hindi ako dapat pangamba dahil nandito naman siya. Ayaw ko naman nang gano'n. Kahit naman ganito ako ka sablay ay may pangarap din naman ako ano. I want to find the real me. Iyong ako talaga at dahil ito iyong gusto kong gawin sa buhay ko. Hindi iyong isinasabuhay ko ang Levy na gusto ng ibang tao na maging ako. Pakiramdam ko ay natagpuan ko na talaga ang gusto kong gawin. I want to be one of the best maker and baker of cakes in the future. One of the world's best pastry chef. "So, ano naman ang balak mong kukunin this time?" interesadong tanong nito na naka-ekis pa ang mga braso. Doon na ako napangiti sa tanong niya. Ibig-sabihin kasi no'n ay pumapayag siya sa plano kong pagpapalit ng kurso. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa kaya ay sumagot na ako kaagad. "Culinary Arts, Major in Baking," excited kong sagot sa kaniya at masyado kong ginandahan talaga ang pagkakangiti. Blangko naman ang naging reaksyon niya sa aking sabi. Bigla itong natahimik at tila kinikilatis kung seryoso ba ako or nagbibiro lang. Parang gusto rin nitong matawa pero pinipigilan niya lang. "What!?" sa wakas ay may lumabas na ring salita sa bibig nito. "Ulitin mo nga ulit iyong sinabi mo," sabi niya. "Culinary Arts, Major in Baking," pag-uulit ko naman kahit napipikon na ako sa reaksyon niya. Umayos ito nang pagkaka-upo at tuluyan ng tiniklop ang binabasa nitong libro. Seryoso ako nitong tinitigan. "Teka nga, alam mo ba ang ginagawa ng mga kumukuha ng mga kursong iyan?" he asked. "Oo naman…nagbebake," confident na sagot ko. At doon na nga ito humalakhak nang tuluyan. Dahil sa inis ko ay pinaghahampas ko ito ng throw pillow na nasa tabi ko. Itinigil ko lang ang ginagawa ko sa kaniya nang mapadaing na ito sa sakit. Tumalikod kaagad ako sa kaniya na tila nagtatampo. "Naku, napikon na ang Siopao ko," suyo nito sa akin pero bahagya ko lang siyang tiningnan at tinaasan ng kilay. Bigla ako nitong hinila sa tabi niya at inakbay ang isang kamay nito sa akin. "Oo na! Sige na. Ikaw na ang bahala.Total ikaw naman ang tatanda sa college at hindi naman ako," nang-aasar pa rin nitong sabi na sinabayan pa nang nakakaloko niyang tawa. "Oo na, sinisigurado ko talaga sa iyo na this time ay makakapagtapos na talaga ako at last ko na rin na kurso ito," nakangiti kong pangako sa kaniya na nakataas pa ang aking kanang kamay bilang simbolo ng aking panunumpa. Natuwa naman ito sa ginawa ko kaya hindi nito napigilang guluhin ang buhok ko. "Sandali nga." Saglit itong napahinto sa ginagawa. "Ilang beses ko bang sabihin sayo na kahit nandito ka sa bahay ay ugaliin mo namang suklayin ang buhok mo? Sigurado ka bang babae ka talaga?" nang-aasar na sermon na naman nito. Inismiran ko lang ito na tila hindi affected sa mga pambubully niya sa akin. "Unggoy ko, sinadya ko naman talaga na hindi iyan suklayin. Usong style iyan ngayon at ang tawag diyan ay messy hair," palusot ko sa kaniya. Ang totoo niyan ay tinatamad talaga akong magsuklay lalo na't kulot talaga ang buhok ko. "Style tawag mo riyan? Eh, ilang araw lang na hindi mo iyan suklayin ay nagmumukha ng pugad ng ibon yan," aniya. Kahit sobrang pikon na ako ay pinili ko pa rin na tiisin ang mga pang-aasar niya. Hingang malalim, ito ang lagi kong ginagawa sa tuwing magkaka-asaran kaming dalawa. Kailangan kong mabuhay, kaya natatakot akong ma highblood. Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ko bago magsalita. "Alam mo kasi, Unggoy, puro ka kasi aral kaya wala ka talagang alam sa mga usong style ngayon. Sabi kasi nila, nagmumukha kang hot kapag ganito ang hairstyle mo.Tingnan mo ito ha!" sabi ko sabay pose na parang model ng lipstick dahil tinodo ko talaga ang pagpout. Napapailing na lang ito sa ginagawa ko. "Oh, ano na? Hot na ba ako? Parang si Angel Locsin na ba ako sa pose kong iyon?" pangungulit na tanong ko sa kaniya. "Ewan ko sa'yo! Hindi ka lang mahina sa Math, psycho ka pa," harsh na comment nito sabay bato ng unan sa mukha ko. "Oo nga pala, maligo ka na nga. Ang baho mo na eh," nang-aasar na reklamo nito. "Ewan ko sa iyo! Kilikili mo kaya iyong naaamoy mo," ganti ko sa kaniya sabay talikod sa kanya. "Ah, mabaho pala!? Hali ka nga rito," sabi niya sabay habol sa akin para ipa-amoy sa akin ang kilikili niya at inilalayo ko naman ang mukha ko mula sa kilikili niya hanggang aksidenteng natisod ako. Pinilit naman niya akong salu-in ngunit nawalan din siya ng balanse kaya ay pareho kaming natumba at sa pagtumba namin ay aksidente lang namang naglapat ang mga labi namin. Pareho kaming natigilan sa nangyari na parang may isang magic spell na biglang nasira. Nang mata-uhan kami pareho ay mabilis na itong tumayo mula sa pagkakadagan sa akin at ganoon din ako. "S-Sorry," halos sabay naming sabi at napatakbo kami sa kaniya-kaniya naming kuwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD