Janine PoV
Ilang linggo nang nakakalipas, simula ng pinagtangkaan ni Lucas ang buhay niya. Nagsimula na din ang hindi ko na siya masyadong nilalapitan dahil umiiwas ako para hindi siya magalit at saktan na naman ang sarili niya.
Alam ko ding palagi silang magkasama ni Sophia, kahit san siya pumunta mukhang binabantayan siya nito dahil baka kung ano na naman ang gawin ni Luc sa sarili niya. Nakikita ko din siyang palaging nang nakangiti.
Sa tuwing dumadaan ako parang hangin lang ako sa kanila o kung minsan naman kapag alam kong nasa sala sila sa likuran na lang ako dumadaan para hindi naman sumama ang magandang araw nila.
Napag desisyonan ko na subukang sundin ang gusto ni Mommy. Hindi ko na pinaalam kay Lucas alam kong wala din naman syang pakelam sa nangyayari sakin. Konting araw na lang din naman alam kong makakayanan ko nang umalis sa poder niya.
Nandito na ko sa building ng company ni Mommy. Ngumiti sakin kaagad ang mga guard dito dahil nabalitaan na ng lahat na ako na ang magpapatakbo nito.
"Good morning Mam. Nasa loob na po si Sir Samonte." Bungad sakin ng assistant ni mommy. Makikilala ko na din ang business partner niya, kasi yon daw ang mas una ko dapat gawin , ang makilala ko ito para magkasundo kami sa pagpapalago ng negosyo.
"Good morning din and thank you." Pagpasok ko may isang lalaking nagbabasa ng magazine. Hindi niya naramdaman agad ang presensya ko kaya ako na ang lumapit agad.
"Hi, good morning. I'm Janine Samaniego and you are Mr. Samonte right?" Naka smile kong bati. Tumayo sya agad saka binitawan ang magazine sa lamesa. Na amazed ako sa itsura nya, napakagwapo akala ko kaedaran ng mommy ko ang ka business partner niya, ang bata pa pala. Pero mas gwapo pa din si Luc.
"Good morning too. I'm Jerome Samonte your soon to be your partner." Sabi niya nang nakangiti. "in life." Kumunot noo ako.
"I mean in life of business." akala ko kung ano na yun eh.
"Your husband is Lucas Samaniego right?" Ngumiti ako ng tipid at tumango.
"Don't worry Ms. Janine Alam ko ang lahat. Ang Mommy mo ang nag kwento sakin." Si mommy talaga! Kainis ang daldal.
" Ganon ba? Nakakahiya naman sayo. Pasensya ka na sa mommy ko masyadong nagpaka feeling close ata sayo. " Natawa siya nang mahina pero hindi dapat nagkukwento si mommy sa kahit sino about dun.
" Okay lang, wala naman sakin yun. Mabait siyang ina sa nararamdaman ko at pangarap ko ngang magkananay na tulad niya eh. " natawa ako sa sinabi niya.
"Pwede naman, kung willing kang magpa ampon sa kanya." Biro ko na parehas kaming natawa.
"Bakit ko pa kailangan magpa ampon kung pwede naman sa ibang paraan na lang Ms.Janine." Hindi ko na lang pinansin ang sinabi nya dahil mukhang sa iba na to napupunta.
"I think kailangan na nating pumunta sa business thing, Mr. Samonte. Time is Gold." Bigla syang natawa ng napakalakas sa sinabi ko, parang ang yabang naman nito.
Mag iisang buwan na kong pumapasok sa opisina. Nakatulong din sakin kasi hindi na ko masyadong umiiyak. Konting oras na lang nilalagi ko din sa bahay at nararamdaman kong kaya ko na talagang mag isa.
Palagi akong busy sa company ni mommy. Pero enjoy naman at saka kapag walang ginagawa kakwentuhan ko lang si Jerome palagi. Mabait naman pala tong mokong na to, hindi lang halata.
"Janine let's dinner together, please." Plagi siyang nagyaya pero tumatanggi ako, nakakaawa naman to mapagbigyan na nga.
"Okay sige na nga. Basta treat mo?" natatawang biro ko sa kaniya.
"Oo naman, basta for you?" nakangiting sabi nya.
Kinabukasan nagising ako na napaka sakit ng ulo ko. Pagtingin ko sa alarm clock ko sobrang late na ko. Kasi naman si Jerome after magyaya nang dinner nagyaya pang uminom sa bar. Kaya gabing gabi na ko naka uwi sa bahay o inumaga na ata kami.
Bago nga ako pumanik sa kwarto ko parang nakita ko si Lucas. Nakasilip sa pintuan ng kwarto nya at bigla din naman nyang sinara. Binalewala ko na lang baka pupunta ng kusina, kaso nakita ako kaya hindi na lang tumuloy bumaba. Kasi nga ayaw niya Kong makita wag siyang mag alala baka next month na din umalis na ko dito. Naligo na ko at nag-ayos agad ng sarili.
Nagmadali agad akong bumaba dahil sobrang late na ko, pero muntikan na kong madapa nang may nagsalita sa likuran ko. Si Lucas.
"Where are you going?" Nagulat ako sa tanong niya. Pero hindi ko na nilingon dahil ang gusto ko makarating agad sa office dahil tambak ang trabaho ko ngayon.
" Sa office. Sige nag mamadali ako eh." Paalis na ko nang biglang may humawak sa kamay ko. Napalingon naman ako sa kaniya agad dahil sa paghawak niya Bumilis ang t***k ng puso ko sa mga titig nya. Ngayon na lang nya ulit ako tinitigan nang ganito.
" Bakit may kailangan ka?" Wala siyang sinabi kundi hinila nya lang ako papuntang dining table.
"Sit down." seryoso niyang sabi. Ano kayang problema nito? Baka pagtitripan nanaman ako para utusan.
"Luc, kung may iuutos ka. Sorry, pero hindi ako pwede ngayon. Marami ka namang mauutusan dyan." Angal ko kasi hindi talaga pwede. Dahil may meeting pa nga din pala ko sa mga investors.
"I said sit down. Kumain ka na lang diyan. " Bigla akong nagulat sa sinabi nya.
"Sa office na lang ako mag bebreakfast madami akong dapat ayusin ngayon eh." Mahinahon kong sabi sa kaniya para hindi siya magalit.
"You are the owner of that company. Bakit kailangan mong magmadali? Kumain ka diyan o baka gusto mong subuan pa kita." napabuntong hinga na lang ako, umupo at kumain.
Nagtxt na din ako kay Jerome na medyo male late ako. Naiilang akong kumakain kasi panay tingin nya sakin.
"Are you in a diet? Pumayat ka." Napatingin ako sa sinabi niya hindi ko na lang masyadong pinansin.
"Lagi ka bang nalilipasan ng gutom?" Bigla akong napatingin sa kanya, huh ano daw?
"Just answer my question?" Oh my ghad! totoo ba to?
"Minsan, kapag madaming kailangang ayusin hindi muna kami kumakain. Pero kapag free time ayun dun lang kami kumakain. Pero sa ngayon baka palagi dahil sa dami kong ginagawa. " Tumango naman siya bigla siyang may binigay saking envelope.
Tinignan ko muna siya, bago ko yon binuksan. Nakita ko annulment paper, kaya pala mabait sya eh. Bigla akong nalungkot at parang kumirot ang puso ko. Ito na talaga ang simula, nang pagtatapos namin.
"Wait lang may pen ka ba dyan? Akin na para ma process na agad ito." Minamadali nya siguro. Kasi alam kong parating na ang babaeng pinakamamahal nya. Ayoko nang maging selfish this time kung talagang mahal ko siya dapat hindi ako maging sakim.
"Here." binigay niya sakin yung pen at nang pipirma na ko.Bigla nya na lang inagaw yung annulment paper. Napatingin ako sa kanya.
"I'm in a hurry, some other time na lang." Paalis na sya nang bigla siyang bumalik at lumapit sakin ang mukha niya na kinagulat ko, sabay bulong sakin.
"I miss your coffee, Lalonglalo ka na." Huh ano daw? miss? coffee? wife? ano yun?Naguguluhan na ko Sa kanya bakit biglang nagbago yun?
Mas mabuting kalimutan ko na lang ang nangyari ngayon baka naguguluhan lang ako.
Ang dami kong ginagawa ngayon, lahat kami sobrang busy. Pero hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung anong nangyari kanina hay! Ginulo ko ang buhok ko. Kasi hindi ako makapag focus sa ginagawa ko, napaangat ako nang tingin dahil may pumasok sa office ko.
"What's wrong Janine? May problema ka ba? Kanina pa kita nakikitang inis na inis diyan."Natatawang tanong nya.
"Naguguluhan kasi ako Jerome eh. " seryoso syang lumapit sakin at kinuwento ko lahat ang nangyari kanina.
" Wag mo munang seryosohin lahat nang nangyari kanina. Kasi baka kapag ibinalik mo ulit yung dating ikaw,baka masaktan ka lang. Hangga't hindi niya sinasabing mahal ka niya wag ka munang magpadala." Tama sya at saka kanina kang naman yun eh. Baka nga pinagttripan lang ako nun mahilig pa naman manloko yun.
.
"Lets go Janine. Mag dinner muna tayo bago ka umuwi. Ihahatid na din kita, wala ang car mo diba?" Napangiti ako sa pagiging generous nito palagi sakin.
"But, ayokong uminom okay?! Last night nung niyaya mo ko tinanghali na ko nang gising at ang sakit ng ulo ko." Inis kong sigaw sa kaniya, pero biro lang naman yon. Natatawa siyang nag hands up.
"Okay, okay dinner lang talaga.Pero pwede bang red wine? " Tiningnan ko siya nang masama .
"I'm just kidding okay, let's go. " Kinuha niya na ang bag ko at sabay na kaming lumabas ng office. Napailing na lang ako, ang kulit talaga nito. Tumawa kaming dalawa dahil sa naalala naming inuman namin last night.
Natapos na kaming magdinner at nandito na kami sa loob ng kotse, nasa tapat na kami ng bahay ni Lucas.
"Kahit kailan alam mo Jerome, nakakatuwa ka." Kanina pa kasi ako tawa nang tawa sa mga corny nyang jokes.
"Sana hindi ka lang matuwa sana magustuhan mo din ako. " May ngiti nyang sabi unti unting nawala ang ngiti ko, napabuntong hininga ako.
"Jerome siguro naman, malinaw sayo kung sino ang mahal ko diba? kung Sino laman nito." turo ko sa aking sintido.
" At nito." at sa tapat ng puso ko.
"Ayokong masaktan kita at ayokong paasahin ka Jerome. Kasi napalapit ka na sakin. Hindi ko kayang makita kang nahihirapan at masasaktan nang dahil sakin." Natawa siya nang malakas nagulat ako.
"Ayan! Ayan ang mali sayo! Mabilis kang maniwala pag minsan inuuto ka, naniniwala ka agad !" Aba't maloko talaga to ah! Binatukan ko siya bigla.
"Aray ko! Bakit mo ko binatukan!" Aba't sinigawan pa ko. Kinutusan ko ulit siya.
"Aray! ko Janine, namumuro ka na huh? Wag mo kong ginagalit." Kinutusan ko na naman naman sya, nakakatawa kasi eh. Tinanggal ko ang lock ng seatbelt ko. Dahil baka gantihan nya ko saka lumabas ng kotse niya at mabilis tumakbo dahil nakita kong lalabas din siya.
"Bleh! Kung mahahabol mo ko! " Para akong batang dumila bumaba na sya agad.
"Aba't Janine hinahamon mo ko hah! Humanda ka sakin!" Takbo ako nang takbo kaso mabilis siya. Kaya naabutan nya ko, nang nahabol nya ko kiniliti kiliti nya ko.
" Stop it Jerome! Sorry na! " Natatawa kong pakiusap, sa sobrang kiliti niya, natumba tuloy ako at pagkatumba ko napahawak ako sa kanya. Kaya bumagsak din sya sa ibabaw ko. Nakapikit ako bigla dahil sa pagka bigla, pagdilat ko ang lapit ng mukha namin. At nakatingin siya sa mga labi ko.
Bakit? parang ilalapit niya ang labi nya sa labi ko. Pero napapikit ulit na lang ako. Hindi ko alam kung bakit, hinihintay ko ba na halikan niya ko?
Nang biglang napabalikwas kami nang may marinig kami na busina ng sasakyan. Nagulat na lang ako na kotse pala ni Lucas yon este Luc na lang pala.
Hindi na pala ko special sa kaniya. Dati kasi gusto nya na tawag ko sa kanya Lucas. Nung nagalit na sya sakin Luc na daw ang itawag ko sa kaniya. Kaya ayan binigay ko na lang, ang dati pa niyang gusto.
Nagkatinginan kami ni Jerome. Tumayo sya at inabot ang kamay ko para makatayo ako. Pero hindi binitawan ni Jerome ang hawak nya sakin at hinigpitan pa.
Paglapit namin kay Luc nakita ko sa likod nya si Sophia na nakapamewang at nakangisi sya. Nginisian ko din siya sabay irap ayoko syang makita at nagulat sya sa ginawa ko sa kanya.
Bumalik ang tingin ko kay Luc na nakatingin sa kamay namin ni Jerome.
"Bakit ngayon ka lang?" Malamig na tanong ni Luc, pero nakatingin na siya sakin kaya medyo natakot ako sa kanya dahil baka saktan na naman niya ko.
Pero nang higpitan ni Jerome ang hawak nya sakin, pagtingin ko sa kanya ngumiti siya sakin na parang nagpapahiwatig na wag akong matakot at nandyan lang sya para ipagtanggol ako. Kaya ngumiti din ako sa kanya at tumango.
"Nag over time kasi ako eh. Coding yung car ko so nag volunteer siya na ihatid ako dito sa bahay." Paliwanag ko nang nakatingin ako sa mga mata nya. Hindi ako nagpahalata na takot ako.
" Pwede kang tumawag sa bahay para magsabi sa mga driver at ang dami nating sasakyan na pwede mong magamit pero mas pinili mo pang sumakay sa ibang sasakyan. Alam mo naman din siguro na madaling araw na, bakit hindi ka pa pumasok agad sa bahay? Bakit kailangan mo pang makipaglaro dito sa labas? Ano kayo mga bata ha?!" Sabay tingin niya nang masama Kay Jerome.
"And who are you?" Galit niyang tanong Kay Jerome.
"Good evening Mr. Samaniego I'm Jerome Samonte boyfriend niya po." Napatingin ako kay Jerome. Hala! anong pinagsasabi nito? Bakit sinabi nya yun? Nakita kong biglang pasugod si Luc kay Jerome at kinuwelyuhan ito, nagulat ako sa ginawa nya.
"Anong sabi mo huh?! Gago ka ba?! She is my wife, you bastard! " Nagulat ako, sinapak ni Luc si Jerome ayun lagpak sa lupa . Bigla akong hinaltak ni Luc at dinala sa likod niya.
"Stay away from my wife!" Galit na galit na sabi nya, bakit ba sya nagkaka ganito anong problema nya?
"No way! Lalo na't sinabi mo jerk!" Pang - iinis ni Jerome. Susugurin niya na naman si Jerome pero nabigla sya sa ginawa ko. Hinaltak ko sya tapos pinuntahan si Jerome. Susugurin na naman siya ni Luc.
"Luc enough! Tumigil ka na nga! Hindi ba naisalba yang utak mo sa pagkalunod mo nung nakaraan kaya nahihibang ka na! Ako na lang ang saktan mo nang saktan! Wag silang nagpapahalaga sakin! Please lang nakikiusap ako. Lahat nang taong pinapahalagahan ako inaaway, sinasaktan at pinapahirapan mo, dahil ayaw mo kong maging masaya Hiniling mong lumayo ako, eto na nag uumpisa na ko! At ngayong masaya ako sa kanya sasaktan mo pa din. Hindi ko alam kung ano yang tinatakbo ng isip mo. Pero wala na kong balak pang alamin at ayokong alamin pa! Wala naman nang halaga pa sakin eh. Nakaka pagod ka! Sobrang nakakapagod ka nang mahalin!" Itinayo ko si Jerome at inayos ang damit at buhok nya.
"Are you okay? Kasi lakas mo magtrip eh! Nabangasan ka tuloy, hindi ka na pogi!" Napailing na lang ako at natawa sya sa sinabi ko.
Napatingin ako Kay Luc na parang gulat na gulat sa sinabi ko. Pero hindi ko na lang pinansin, kaso itong si Jerome lumapit pa Kay Luc pinigilan ko.
" Just trust me, okay. This is for you." Malumanay nyang sabi at hinayaan ko na lang siya may binulong sya kay Luc pagtapos nun nagpaalam na si Jerome sakin.
"See you tomorrow my future wife." parang abnoy to pati ako dinadamay sa kalokohan nya.
Ano kaya sinabi nun kay Luc kasi parang natakot yung mukha nya eh. Pero trust him na lang daw. Kaya hayaan ko na lang siya sa kalokohan nya. Pumasok na lang ako sa loob ng kwarto ko, grabe ang araw na to ngayon nakakaloka!