Slap

2040 Words
Janine POV Maaga akong nagising para i review ang lahat ng gustong ipagawa sakin ni mommy. Hindi pa naman ako nakakapag decide pero gusto ko lang munang subukang tingnan ito, baka sakaling gustohin ko na ring asikasuhin ang negosyo ni mommy at tumayo na rin sa sarili kong kumpanya. Pero papano ang negosyong iniwan samin ni Luc ni lolo, ihahanda ko na ba din ang sarili kong kaharapin yon? Kakayanin ko kaya? Narinig kong may kumakatok sa pintuan ng kwarto ko at agad kong pinagbuksan. " Ma'am nakalimutan po kasi ni Sir sa baba ang mga papeles niya, tumawag poang secretary niya at pinapadala po ang lahat ng mga ito. " Sabi ng isa naming kasambahay na nahihiya, na parang may gusto pang ipaliwanag. Hinintay ko pa ang sasabihin niya saka siya huminga ng malalim siya. " Kaso po ma'am walang bakanteng tao na magdadala po kay sir nito dahil po lahat po kasi kami ngayon madaming ginagawa ma'am." Yumuko siya at ako naman ang nagka problema nito ngayon. " Sige ako na lang ang bahalang magdala nito sa kaniya." Kinuha ko agad ang papeles na hawak niya para hindi na sila mamroblema. Baka mamaya kapag nakita ko nun sa company nila magwala yon, papano kaya to? Nakarating na ako sa building ng kumpanya nila Luc, napakalaki talaga nito at napakaganda. Lumapit ako sa reception nila doon, ang mga Naka assign doon ay magaganda na nakangiti agad habang papalapit pa lang ang mga taong magtatanong sa kanila. " Good morning po Ma'am, welcome to Samaniego Corp. Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo? " Magiliw sila dito at sana ganon din ang may ari. " Good morning din, Nandito ako para sa mga files na kailangan ng President para sa meeting niya mamayang two pm." Tumango siya sa akin at sinabi niyang one moment at may tinawagan sa phone niya. Pinaiwan na lang ng receptionist ang mga files at dadalhin na lamang daw sa itaas ang mga ito, nag iwan lang ako ng name ko and contact number kung sakaling magkaroon ng problema. Magkakape muna ko sa katabing coffee shop nito at pagmamasdan ko ang buong building. Hindi pa ko nakakalabas ng building nang tumunog ang cellphone ko. " Hello? " Binati ko ang guard na nasa labas saka binigay ang card ko para sa susi ng kotse ko. " Ma'am ito po yung sa reception, pasensya na po ma'am pero wala po kasing makapag dala doon sa taas dahil lahat po ng messenger namin, nasa labas po at napaaga daw po ang meeting. " Halatang mukhang nagpapanick nga ang kausap ko. " Sige sige pabalik na ko diyan." Bumalik agad ako, dahil sobrang importante talaga ng mga papeles na yun at kawawa naman ang asawa ko. " Pasensya na po talaga kayo ma'am, sa thirtieth floor po ang President office. Thank you po." Nahihiyang sabi ng receptionist habang inaabot sakin ang mga files. " Okay lang sakin, salamat." Mabilis na kong pumunta sa elevator nila para madala na ito. Baka mamaya nag start na ang meeting wala siyang dala. Pagdating ko dun bumungad sakin ang desk ng assistant niya, ang ganda naman niya. Nakangiti itong lumapit sa akin at alam niya na ata ang dahilan sa pagpunta ko dito. Good morning po ito na po ba lahat ang kailangan ni Mr. President? " Tumango ako saka niya kinuha ang hawak ko. " Salamat ma'am. " Tumawag siya sa telepono at sinabi kay Luc na nandito ang mga kailangan niya. Narinig kong pinapapasok ni Luc ang nagdala ng mga papers niya. " Ma'am pinapapasok po kayo ni Mr. President. At kayo na din po ang mag abot daw nito salamat. " Tumango ako at saka kinabahan kapag nalaman niyang ako ang nagdala ng mga ito. " By the way ma'am, kasambahay ka din ni Mr. President?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko pero kusang tumango na lang ako. " Ahh ganon? Infairness nga naman talaga sa inyo. Mas mamahalin ang bag kesa sakin, ang alaga ni Sir sa inyo ah." Pagbibiro niya at napahawak ako sa Hermes kong hawak. Pero lahat kasi ng mga kasama namin sa bahay ay may mamahaling gamit. Nireregalo ko yon tuwing birthday nila or may celebration kagaya ng Christmas. Pagkapasok ko doon, nakatalikod si Luc habang nakaupo sa kaniyang swivel chair. Parang napakalalim ng kaniyang iniisip habang tanaw niya ang mga naglalakihang building sa labas ng bintana niya. " Nandun pa ba ang b***h na yon? " Narinig kong tanong niya. " Dapat pakitunguhan niyo din ng maganda para umalis na ng tuluyan sa pamamahay natin at makapamuhay na ko ng normal." Iniikot niya ang swivel chair niya at laking gulat niya na ako ang bumungad sa kaniya. " Goodmorning. Eto na ang mga files na kailangan mo. Pasensya na ako na ang nagdala dahil wala daw makakapagdala nito." Nilapag ko sa lamesa niya. Nakatingin lang siya sakin ng inis. " Aalis na ko." Nakakatakot ang mga tingin niya. Nakakaramdam ako ng panginginig dahil baka saktan na naman niya ako. " Sandali." Nagulat ako sa boses niya. Saka lumingon ulit pabalik sa kaniya. " Tutal naman nandito ka na, ibibigay ko sayo ang mga documents ng kumpanya mo." Itinuro niya ang sofa na para dun siguro kami mag usap. Sumunod naman ako agad dahil sa takot na baka magalit siya. " Ayoko ng pamahalaan ang kumpanya mo dahil wala naman talaga kong responsibilidad dun at lalo na sayo. Naiintindihan mo." Tumango ako nang nakayuko. Hindi ko makayang tingnan ang mukha niya. " Gustong gusto ko ng mawala ka pa sa buhay ko, alam mo ba yun? " Pumatak ang luha ko agad sa sinabi niya. " Iligid mo ang paningin mo sa office ko na to. Iligid mo!" Tumango tango ako at inilibot ang paningin ko. " Nakikita mo ang bawat sulok nito? Ito ang nagsilbing tahanan ko na lang simula ng tumira ka sa mansiyon ko. Dito na lang ako nagkakaroon ng katahimikan at kapayapaan dahil alam kong wala ka dito. Pero ngayong nandito ka! Uminit na naman sa inis ang galit ko at nakaramdam na naman ako na hindi na naman ako maayos sa lugar na ito! " Huminga ako ng malalim at kinakalma ang sarili. May binato siya sa aking puting sobre. " Buksan mo para makita mo ang katarantaduhang ginawa mo sa buhay ko!" Nanginginig kong kinuha ang sobre at binuksan yon. Isang wedding invitation na galing sa taong pinakamamahal niya. Lumapit siya sakin at saka lumuhod hinawakan ang kamay ko. " Umalis ka na sa buhay ko, palayain mo na ko nagmamakaawa ako sayo!" Napaiyak ako sa pakiusap niya. " Luc ako ang nagmamakaawa sayo, bigyan mo ko ng pagkakataon iparamdam sayo ang pagiging asawa ko. Nangangako akong wala kang pagsisihan. Mamahalin kita ng buo. Luc wag mo naman hilingin sakin ang bagay na alam mong ikamamatay ko, ikaw lang ang buhay ko Lucas." Inalis niya ang pagkakahawak sakin. Tumayo siya agad. " Umalis ka na sa harapan ko at ipapadala ko na lang sayo ang mga documents mo. Umalis ka na!" Napatayo ako sa takot at lalabas. " Hindi talaga ako nagkakamali sayo. At bakit ba ko humiling sayo kanina, nakalimutan ko nga palang sakim ka. Alis!" Umalis na ko at kasabay nun narinig kong inutos niyang i-disinfect ang laht ng gamit sa office niya at palitan ang sofa na inupuan ko. Mahal na mahal kita Luc, hindi ko kasi kayang mawala ka sa buhay ko. Di ko alam kung anong gagawin ko kapag alam kong hindi ka na sakin kahit sa papel lang. Naipadala nga lahat ni Lucas lahat-lahat ng mga dokumento negosyo namin, samin dahil para sakin parehas kaming may ari dahil mag asawa kami. Pinili kong dito sa sala mag review lahat lahat ng mga hawak kong documents, sa negosyo namin at sa negosyo ni mommy. Mamaya pa naman uuwi si Lucas, kapag malapit na siyang dumating saka na lang ako lilipat ng kwarto. Nagpadala na din ako ng pagkain ko dito para mamaya hindi na ko mag dinner para hindi naman din masikipan si Lucas sa presensya ko. May umupo sa kabilang sofa na bakante na nakadekwatro pa. Si Sophia. " Oh! You here pa rin pala , akala ko after mangyari nung gabi matatauhan ka na at aalis ka na nang kusa. Wala ka talagang konsensya no?" Yumuko lang ako at tinuon ang sarili ko sa mga binabasa ko. Kumuha siya ng isang document, mukhang binabasa niya ito dahil sa tumahimik siya. " Nababaliw na talaga si Lucas para ipagkatiwala sayo ang kumpanya niyo, eh bobo ka naman." Umangat ako ng tingin saka niya ko tinitigan pabalik na matalim ang mga mata, sa huli ako pa din ang natibag, ako ang may kasalanan sa kanila kaya dapat magpakumbaba ako. " Alam mo b***h naawa ako sayong natatawa, deserve mo kasi lahat ng pagtrato sayo ng asawa mo pero naawa ako sayo dahil tanga ka." Umalis na lang siya dahil alam niya sigurong wala siyang mapapala sakin. Maya maya ay natapos na din ako, nagligpit na din ako dahil mamaya nandito na si Lucas at baka gagamitin nila ni Sophia itong sala. Naligo muna ko bago ako matulog para naman presko ang tulog ko mamaya. Habang nagpapatuyo ako ng buhok ko, napansin ko ang cellphone ko na may mga missed calls pala. Nagsilent kasi ako kanina dahil sa ayokong maistorbo habang may ginagawa. Unregistered number naman pala to, pero ang dami niyang tawag. Bigla ulit nagring kaya sinagot ko na. " Janine! Si Lucas! " Isa sa mga kaibigan niya ito, nakaramdam ako ng kaba at panlalamig sa narinig ko. Nasa hospital na ko para puntahan si Lucas, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa asawa ko. Hindi! Dumiretso agad ako sa kwarto kung san siya dinala sabi ni Diego. Bago pa ko kumatok ay bumukas na agad ang pinto at bumungad sakin ang aking mother in law. na masama ang tingin, pero ang napansin ko ay merong luhang pumapatak sa kaniyang mga mata. " Good evening po tita." Ayaw niya at ni Lucas tawagin kong mommy siya dahil wala akong karapatan. Kinuha ko ang kamay niya para mag mano pero nilayo niya lamang ito. " Hindi ka pa din ba marunong mahiya?! " Hinatak niya ko papasok sa loob ng kwarto at dinala sa harapan ni Lucas. " Nakita mo yang anak ko?! Nagpalunod para wakasan na ang buhay! Dahil ayaw ka ng makasama pero ikaw pinipilit pa din ang sarili!" Saka niya ko sinampal ng malakas. " Tita tama na po! Asawa pa din po siya ng anak niyo." Si Diego ang umawat sa mommy ni Lucas. Hawak niya ito ng may pag galang. " Dapat matagal ko ng ginawa sayo yang babae ka! Napakabait ng anak ko, namin sayo! " Saka umalis sa loob ng kwarto na humahagulgol. Nilapitan ko agad ang asawa ko na natutulog habang naka oxygen. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi. " Nagtangka siyang nagpalunod kanina habang nasa resort kami nila Jeric, bigla kasing nagkayayaan. Habang busy kaming nag iinuman nila Niel, nawala pala siya at nakita lang siya ng isa sa mga katiwala ni Jeric na nakalutang sa pool na walang malay. Alam nating imposible na malunod siya dahil marunong siyang lumangoy at hindi pa siya lasing ng mga oras na yon. " Huminga ng malalim si Diego at tumabi sakin. Kinabahan ako sa paghawak niya dahil akala ko sasaktan niya din ako. Hinawakan niya lang ang kamay ko. " Hindi namin hihilingin na maging mabait ka sa kaibigan namin dahil tarantado talaga yan. Hindi rin namin hihilingin na palayain mo siya dahil hindi naman siya nakakulong." Nabigla ako ng may humablot ng kamay ko. " Ang dami mong sinasabi! Nakaka gwapo ba yan bro?! " Sabat ni Nilo at iniharap ako sa kaniya. Ibang iba ang tingin niya sakin, walang pagtutuya or galit kundi awa. " Hinihiling naming maawa ka naman sa sarili mo. Oras na para sarili mo naman ang intindihin mo." Sincere na sabi sakin ni Nilo, dahil sa kanilang lahat siya ang may alam lahat ng pinagdaanan ko sa kamay ng kaibigan niya. Bigla akong napahagulgol at tumango tango sa harap nila. Mas lalo akong naiyak ng niyakap ako ni Nilo at ramdam ko ang pag aalala niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD