"Ang rupok mo naman!" Asik ni Dwayne matapos kong ikuwento sa kanya ang nangyari noong Sabado at kahapon. Parang sasabunutan niya ako dahil sa mga isiniwalat ko. "At tinulungan mo pa talaga siyang makapasok sa Hotel niyo? Wow ha. Pilhanthropist te?" "'Yon naman talaga ang pinangako ko 'di ba? I want to help him. Pinangako naman sa akin ni Adam na iiwan niya ang ginagawa at gagawin niya ang lahat para mapatunayan sa akin na karapat-dapat siya." Saad ko. "Babae te? Nobela? Ang ganda natin ha. Bigyan ng jacket 'yan!" Sarkastik niyang saad sabay palakpak. Tinaasan ko siya ng kilay. Napahalukipkip pa ako. "Aba bakit? Babae lang ba ang may karapatan sa mga ganoong bagay? Worth it naman akong paghirapan e." "Sinabi ko bang hindi? Oo, worth it kang paghirapan pero dapat ng matinong lalake. Hi

