Halik lang sa pisngi iyon pero pakiramdam ko naangkin na ni Adam ang lahat-lahat sa akin. Like what he said, he owns me. Na para bang sa halik na iyon ay hindi na ako pwedeng kunin at angkinin pa ng iba. Okay, that was exaggerated. Pero iyon ang nararamdaman ko. Mahal ko nga talaga siya. Ang nangyari noon sa restaurant ay paraan lang ni tadhana para igiit sa akin kung ano ang nararamdaman ko para kay Adam. Kung titingnan ay ang babaw ko dahil mabilis akong nahulog, pero ang pag-ibig naman kasi ay walang pinipiling oras. Walang pinipiling lugar. Walang pinipiling tao. Kapag tinamaan ka, tatamaan ka talaga. Titibok talaga ang puso mo. Panahon na kaya para sagutin ko si Adam? Handa na kaya akong pasukin ang pakikipagrelasyon sa tulad niya? Tanggap ko naman kung sino siya kahapon at tatangg

