Pagkatapos ng nangyari sa amin ni Adam, parang hindi ko na siya kayang harapin pa. Nahihiya ako. Bigla-bigla ko na lang din kasing maaalala ang nangyari sa amin sa resort a week ago. Dumagdag pa si Dwayne na lagi akong kinakantyawan. Mabuti na lang napakiusapan ko siyang huwag munang sabihin sa dalawa. Pero grabeng sermon naman ang inabot ko sa kanya. Papasok ako sa isang pasilyo nang mamataan ko si Adam. Dali-dali akong umatras at agad na tumalikod. Wala pa kasi talaga akong mukhang ihaharap sa kanya. Mabuti na nga lang naging busy kami these past few days sa mga thesis namin at iba pang requirements para maipasa ang semester na ito. Over a month na lang din kasi ang natitira at puspusan na ang ginagawa namin. Napag-usapan naman namin iyon at naiintindihan namin kung sakaling hindi kami

