Kalat na kalat na sa buong school ang litratong iyon. Kahit sa social media at higit sa lahat sa mga page ng school. Maraming naging interesado dahil involved doon ang isang propesor ng unibersidad namin at higit sa lahat ang isang gwapong estudyante niya. Parang ayaw kong pumasok kinaumagahan. Namamaga rin ang mga mata ko kakaiyak buong magdamag. Hindi ko akalain na magagawa sa akin ni Adam iyon. Nangako siya sa akin na hindi na niya gagawin ang ginagawa dati. Na nagbago na siya pero sa nakita kong dalawang litratong iyon na ang una ay ang pag-uusap nila sa lobby ng hotel at ang ikalawa ay papasok sila sa isang kwarto. Worst, sa hotel na pinatratrabuhan pa niya kuha ang mga litratong iyon. In-off ko ang cellphone dahil sa sunod-sunod na tawag ng mga kaibigan ko. Hindi ko sila kayang sa

