Saktong ala syete ng gabi nagsimula ang birthday celebration ni Tito Glenn at wedding anniversary nila ni Tito Markus. Maraming bisita ang dumalo. Halos kilala at sikat sa iba't-ibang larangan at propesyon. Hindi rin kasi maikakaila na malakas ang impluwensya ng pamilya namin. Dagdagan pa ng mga business tycoon na kaibigan ni Daddy. Sa pagkakaalam ko, mayroon din silang club. Originally, seven lang sila pero ngayon lagpas na ata sa daliri ang bilang nila. Ngayon may second generation na rin ang club at sa tingin ko in the next few years, magiging miyembro na si Kuya Duke. Of course, obvious naman na siya ang magtitake over sa posisyon ni Daddy. He has the potential. May mga sariling business na nga siya without the help of my family which is kabaligtaran naman sa akin. Atsaka malayong map

