"OMG! Anong ginagawa ninyong dalawa?" Gulat na tanong ni Danica. Si Taylor naman ay tinakpan ng mga palad ang mukha pero may butas sa bandang mata. "Duh! Isn't it obvious? The'yre almost doing that chugchugan thing. Hindi man lang nahiya. Ang taas pa ng sikat ng araw." Mataray na sabi ni Dwayne. Nakahalukipkip. Sa kanilang tatlo, siya ang unang nakabawi mula sa pagkagulat. "Mali ang iniisip niyo!" Tanging nasabi ko na lang. Tumayo na si Adam at hinarap ang tatlo. Nakaharang siya sa line of vision ko. "Sa susunod marunong naman kayong kumatok. Paano kung may nangyari nga talaga sa amin ni Luke? Naabutan niyo ng hubo't hubad? Ano na lang ang mararamdaman niya? Kung sa akin ay okay lang pero sa kanya?" What the! Pinamulahan ako ng pisngi sa sinabi niya. Kung pwede lang lagyan ng filter a

