"Sino siya? Isa rin ba siya ha?" Tanong ng kasama ni Adam sa kanya na sa akin nakatingin. Kung kanina ay kaswal lang ang pinupukol na tingin nito, ngayon, masama na. Kahit ang pagtatanong nito ay may bahid ng pagkainis. "S–Siya si Luke, k–kaibigan at kaklase ko." Nauutal na pagpapakilala sa akin ni Adam. Nang magkasalubong ang aming tingin, nakita ko ang pagkabalisa niya. Para na rin siyang tinakasan ng dugo dahil halata na ang pagkaputla niya. Nadismaya at nasaktan ako sa sinabi niya kahit na alam kong itatanggi niya ako rito. Sa flowershop pa lang ay may kutob na ako kung ano ang kaugnayan nito sa kanya. Namumungay na ang aking mga mata na sa ilang sandali lang ay tatakas na ang luha. "A–hm Luke. S–Siya si Oka. Tito Oka. Tito ko siya." Pagpapakilala naman niya nito sa akin. Nauutal pa

