Parang sirang plaka na paulit-ulit nagpi-play sa utak ko ang mga katagang sinabi ni Adam. Hindi ako makapag-isip ng maayos at tila lutang ako nang kausapin ako ni Kuya Duke tungkol sa kanya nang makabalik ako sa loob ng bahay. Inaasahan ko ng iinterogahin ako nito.
Nainis naman sa akin si Kuya dahil hindi ko masagot-sagot ng maayos ang mga tanong niya. Sinabi pa niyang paiimbestigahan niya si Adam dahil wala raw siyang tiwala rito kahit pa ito ang nagligtas sa buhay ko.
Pilit ko namang pinapaliwanag sa kanya na hindi katulad ng iniisip niya si Adam. Halos magkandautal-utal pa ako habang nagpapaliwanag pero napapayag ko rin siya. Ang oa masyado. Mas praning at overprotective pa siya kaysa kay Daddy.
Pagkatapos niya akong kausapin ay agad kong binuksan ang Messenger at tsinat si Adam. Gusto kong kumpirmahin ang sinabi niya kanina. Hindi ako nakasagot nang tanungin niya ako. Hindi ko rin kasi alam ang isasagot. Parang nablangko ang utak ko. Hindi ko lubos maisip na itatanong niya ng biglaan ang ganoong bagay. Bago lang kami nagkakilala at nakapag-usap ng maayos. Isa pa't galit siya sa akin dahil sa ginawa kong hindi pagsipot sa gagawin sana namin noon.
Ilang beses kong inulit ang tanong bago ako nakapagsend ng pinal na mensahe sa kanya. Kinakabahan ako habang nakatitig sa screen ng cellphone ko lalo na nang i-seen niya ang message at tumalon-talon ang tatlong tuldok. Ilang segundo lang ang lumipas ay lumitaw na ang mensahe niya. It stated, "Seryoso ako. Bukas, makikit mo." Naglagay pa siya ng emoticon na kumikindat.
Kinuha ko ang unan at tinakip ito sa aking mukha. Tumili ako ng tumili para ilabas ang nararamdamang kilig. Para akong baliw dahil ilang beses akong nagpagulong-gulong sa kama. Nahulog pa ako at nauntog ang puwet. Mabuti na lang at hindi ako nabalian.
Paulit-ulit ko namang binabasa ang mensahe niya dahil baka nanaginip lang ako. I even slapped my face. Nang makaramdam ng sakit, napatili na naman ako. Pero impit lang iyon dahil baka pasukin ako ng mga asungot sa kwarto.
Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa sinabi ni Adam dahil alam kong isa siyang callboy pero malaki ang parte sa puso ko na umaasa na totoo nga ang mga sinabi niya. I saw through his eyes that he was sincere while telling those words. Matapos niya akong iligtas sa snatcher, nakita ko na ang kaseryosohan sa kanyang mukha. Hindi naman pala talaga siya suplado at arogante tulad ng pagkakakilala ko sa kanya. Hindi lang talaga kami nagkaintindihan.
Dapat nga talagang pumayag ako na ligawan niya ako. Besides the fact that I like him a lot, gusto ko rin siyang tulungan na magbago. I want him to leave on what he was been doing. Alam kong pinapangunahan ko ang sitwasyon pero ito na ang opurtunidad ko para mabago siya. It is for his sake. Ayaw ko rin pagsisihan pagdating ng panahon na hindi ko siya natulungan. At kahit hindi man maging kami, tutulungan ko pa rin siya dahil tinuturing ko na siyang kaibigan.
"Mukhang ang saya natin ngayon a? How was the dinner with Adam last night?" Bungad na tanong sa akin ni Dwayne nang makita niya ako sa hallway papunta sa unang klase namin kinabukasan. Alam niya ang tungkol sa dinner dahil sinabi ko iyon sa kanya kahapon.
"It went good. Good morning." Sabi ko sa kanya ng nakangiti. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.
"Good morning too? Normal naman ang maging masaya pero ibang-iba ang nakikita ko ngayon sayo." Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Mataman niya akong tinitigan sa mukha. Inalis ko ang ngiti at umiwas ng tingin.
"'Yan! 'Yan nga ang sinasabi ko. Inlab ka nu?" Giit niya. Nang-init ang pisngi ko.
"H-Hindi. Hindi ako inlab! Ano bang pinagsasabi mo diyan? Bakit naman ako maiinlab? At kanino naman aber?" Tanggi ko pero halata ang pagkautal sa boses ko.
Napailing-iling si Dwayne kasabay ang pagguhit ng ngiti sa kanyang labi na tila nanunuya.
"Inlab ka nga." May paniniguradong wika niya.
"Hindi nga ako inlab sabi e. Paano mo naman nasasabi 'yan? Bakit? Alam mo ba laman ng puso ko?" Giit ko. May sasabihin pa sana ako pero itinigil ko rin. Narealize kong nagmumukha na akong defensive.
Pinatong ni Dwayne ang kamay niya sa balikat ko at mahinang tinapik-tapik ito.
"I'd been there. Done that. I just really hope that it's not Adam. Pero siya lang naman ang lalaking maiinlab ka so for sure it was him, right?"
Tatanggi pa sana ako pero hindi ko na itinuloy. Kahit magdeny ako, malalaman at malalaman din niya ang totoo. Ako kasi 'yong tipo ng tao na hindi kayang maglihim lalo na kapag nakikita at napapansin ko na may ideya na sa sekreto ko ang taong nagtatanong sa akin. Tulad na lang nitong si Dwyane.
Napatungo na lang ako at napatango-tango. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
"He has the looks and let's just say he saved your life but a callboy is always a callboy, Luke. Wala kang mapapala sa kanya. Baka perahan ka lang niya at higit sa lahat sasaktan."
"Don't you think you're being a cynic to him? We don't know the real him. We don't know what's behind why he's like that. At kapag nagmahal ka, masasaktan at masasaktan ka talaga. It's inevitable. But it depends on you on how you will take the pain. At isa pa, hindi pa naman kami in a relationship. So bakit and dami mo na agad sinasabi diyan?" Panggagad ko.
"Iniisip lang naman kita. Advance akong mag-isip. Hindi ako makakapagsalita ng ganito kung hindi ko iyon napagdaanan na. Mahirap magmahal ng katulad nila Luke. Maliban sa masasaktan ka, masasaktan din ang bulsa mo." Aniya at napahagikhik.
"Kasalanan mo naman din kasi kung bakit ka nagpapauto." Paninisi ko.
"Hindi ko kasi kayang iresist lalo na kapag niroromansa ang buong katawan ko habang humihingi ng Iphone at rubber shoes."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Sinabunutan ko siya sa buhok. Sobra akong naeskandalo sa sinabi niya. Hindi na nahiya sa mga taong makakarinig sa kanya. Ako nga halos hindi na marinig ang sinasabi ko dahil ayaw kong may isipin sa akin ang mga tao. I can't take judgments lalo pa't walang basehan at katotohanan ang mga binabato sa akin. Noong sabihin nga sa akin ni Adam dati na tulad din ako ng iba na nagabayad para lang makatikim ng ligaya ay sobra talaga akong nasaktan. Umiyak pa ako. But I already forgive him. At sa tingin ko naman, bawat tao kapag nasasabihan ng mga masasamang bagay na wala namang katotohanan ay siguradong masasaktan.
"Tumigil ka na nga. Wala talagang pag-uusap na hindi ka magbibiro. At isa pa, kung magiging kami man ni Adam, hindi ako magpapauto sa kanya at ipapakita ko sayo na kaya ko siyang baguhin. Malakas ang pakiramdam ko na hindi niya gusto ang ginagawa niya."
"Wow ha. May pagkailusyunada ka rin e nu? Pero sige nga. Let's see kung saan hahantong 'yang ilusyon mo."
"I will not promise but I will do my best. Makikita mo."
Kung sakaling magiging kami man ni Adam which is possible dahil liligawan niya ako, gagawin ko ang lahat para iwanan na niya ang kinasasadlakang buhay. Ako ang magiging prince charming sa love story naming dalawa. Pero in the end, ako pa rin ang magiging prinsesa. Dapat lang. I don't see myself as the man of our relationship.
Napailing-iling si Dwyane at tinalikuran ako. Napatawa na lang ako. Sumunod na rin ako sa kanya nang mag-umpisa siyang maglakad.
DUMAGUNDONG ang dibdib ko nang makita ko si Adam sa labas ng classroom. Nakapamulsa at nakaangat ang isang paa pasandal sa pader. Nang makita niya ako, gumuhit agad ang ngiti sa kanyang mga labi. Nang-init ang pisngi ko at napaiwas ng tingin. Mahinang naglakad ako papunta sa classroom.
"Good morning." Hinarangan niya ang daan ko. Hindi ko sana siya haharapin dahil hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin pagkatapos ng isinawalat niya kagabi. But I guess, I don't have any choice.
"Good morning." Mahinang tugon ko. Nagpasalamat ako na hindi ako nautal kahit ang bilis ng t***k ng puso ko.
"Ano ng sagot mo? Payag ka ba?" Derestahang tanong niya. Naspeechless ako. Hindi ko napaghandaan ang sasabihin niya.
"Seryoso ako Luke. Minsan lang ako magkakaganito sa isang tao. Gusto talaga kitang maging akin. Sana pagbigyan mo ako."
Tinapangan ko ang sarili na tingnan ang mukha niya. Humugot ako ng lakas pero agad naman nawala iyon nang magtama ang aming mga mata.
"K-Kailangan ko ba talagang sagutin 'yan?"
"Siyempre naman. Mahirap manligaw kapag hindi pumayag na ligawan ang taong nililigawan mo. Sobrang swerte mo na nga e. Ngayon lang talaga ako manliligaw sa katulad mo. 'Yong iba ako ang hinahabol. Kahit ayaw ko pinipilit pa rin. Kung hindi ko pa tatakutin, hindi ako titigilan."
Okay na sana e pero umiral ang pagiging mayabang niya.
"Let me ask you one more time. Do you like me?"
He smirked. Dumukwang siya at inilapit ang mukha sa akin. "Hindi kita liligawan kung hindi kita gusto. Gusto kita Luke." Binaba niya ang mukha papalapit sa leeg ko, "gustong-gusto. Mhh, bango."
Nanigas ang buong katawan ko nang dumampi sa balat ko ang mainit na hangin na mula sa bibig niya. Nanayo ang lahat ng balahibo sa buong katawan ko.
Umayos siya ng tayo, sandali akong tinitigan bago siya pumasok sa loob classroom. Naiwan naman akong naestatwa sa kinatatayuan. Nakahuma lang ako nang tawagin ako ni Prof Almazan at tinanong kung ayos lang ako. Tumango lang ako at binati siya saka pumasok sa classroom.
Pinilit kong hindi mapatingin kay Adam habang naglalakad papunta sa upuan ko. Sa peripheral vision ko, nakatingin siya sa akin pero hindi ko talaga sinubukang itama ang ng mata namin. Nababalot pa rin ako ng matinding hiya at ilang sa mga sinabi niya kagabi. Nadagdagan pa ngayon lang.
Kasabay nito ang hindi maitagong kasiyahan na nararamdaman ko. Ganito pala talaga kasaya kapag gusto ka rin ng taong gusto mo. Akala ko magiging one-sided lang ito. Hindi ko kasi talaga lubos maisip na may mangyayaring ganito sa amin ni Adam. Parang kailan ang pangit pa ng paghaharap namin. We even insulted each other. Pero ito ngayon, naging malapit na kami sa isa't-isa. And I wasn't expecting that it would reached this kind of level. Masaya na nga ako naging magkaibigan kami. How much more na nililigawan niya ako. Excited na tuloy ako kung paano manligaw ang isang Adam Arthur Ramirez. I feel like I am the most beautiful girl in the Universe. Oo, kinikleym ko ng babae ako. Babae naman talaga ako at nakulong lang sa katawan ng isang lalake. Bata pa lang ay alam ko na kung ano ako.
Nang makalapit sa aking upuan, nangunot ang noo ko nang makakita ng isang candy sa ibabaw ng arm desk. Pagkaupo ay agad ko itong kinuha. Nabasa ko agad ang mensaheng nakasulat dito.
Have a nice day.
Awtomatikong napatingin ako kay Adam. Nakatingin nga siya sa akin. By his facial expression, I don't need to ask him anymore. Sigurado akong sa kanya galing ang candy.
"Thank you." Mahinang sabi ko. He just smiled and winked at me. Napatungo naman ako at napangiti dahil sa kilig.
Napakasimple lang ng ginawa niya pero napatalon niya sa kilig ang puso ko. I never thought that a one peso candy and it's message could be a powerful gesture to someone you like and has this kind of effect.
Nagkaroon na agad ng malaking impact ito sa akin. Adam has a unique style in courting.
Pagkatapos i-check ang attendance ay pinapunta na kami sa mga kagrupo namin. Nasa magkabilang gilid ng gitna kami naroroon. Nalungkot naman ako dahil sinabi ni Prof na iyon na rin daw ang magiging sitting arrangement namin para tuloy-tuloy na sa sunod na meeting. After a month ay hindi na raw siya papasok sa klase at ipapatawag na lang kami kapag may checking ng mga drafts sa study namin.
Sa loob ng isang oras, pasulyap-sulyap na lang ang ginagawa ko kay Adam. Pasimple ko lang iyong ginagawa dahil baka mahuli niya ako't isiping easy to get ako. Kahit bakla lang ako ay may karapatan naman akong maging hard to get. Ipapakita ko sa kanya na dapat din kaming respetuhin.
Hindi na ako nakakapagkonsentreyt sa mga sinasabi ng lider namin dahil okupado na ni Adam ang buong isip ko. Sa kanya na lang ako nakatingin habang hinihimas-himas ng hinalalaking daliri ko ang candy na ibinigay niya.
Minsan ay nagkakasalubungan kami ng tingin. Ako ang unang umiiwas dahil ningingitian niya ako o 'di kaya kinikindatan pero may pagkakataon na nagkakatitigan talaga kami at sabay na ngingiti. Sa ganoong paraan ay nag-uusap kami. Naninikip na tuloy ang dibdib ko dahil sa labis na kilig.
Pagkatapos ng klase ay hinintay niya ako sa labas ng classroom. Agad niya akong inaya na kumain sa isang kainan sa labas ng school. Tatanggi pa sana ako dahil usually sumasabay ako kina Danica at Taylor pero napa-oo ako sa kanya. Parati naman kaming nagkikita ng mga 'yon at minsan lang ito nangyayari.
"Okay lang ba sayo na dalhin kita sa isang karenderya? Huwag kang mag-alala dahil malinis ang pagkain nila do'n at masasarap pa. Kilala ko rin ang may-ari." Aniya. "Pasensya ka na at wala pa akong budget para dalhin ka sa mamahaling pagkainan."
"Naku h'wang kang mag-apologize. Don't worry, kumakain ako sa mga karenderya. Sa katunayan, may alam akong mas mura."
"Talaga?"
"Yeah. Suki namin siya kahit pa noong hindi pa namin nakikala ang Daddy namin."
Napakunot ang noo niya sa sinabi ko.
"Ikukwento ko sayo mamaya kapag nakarating tayo do'n. So tara na?"
Napatango lang siya bilang tugon.
Habang naglalakad papunta roon ay itineks ko sina Danica na hindi muna ako makakasama sa kanilang mag-lunch. Nag-imbento ako ng excuse at bumenta naman iyon sa kanila.
Napatigil si Adam nang makarating kami sa harap ng karenderya ni Aling Melia. May pagtatataka ang kanyang mukha nang tingnan ko siya.
"Sandali, ito ang sinasabi mong karenderya?" Tanong niya.
"Yes. Medyo matagal na rin ng huling makapunta ako rito. Nagutom tuloy ako. Tara na?" Pag-aya ko.
"Ito rin kasi ang sinasabi kong karenderya sayo kanina."
"Talaga?"
Coincedence. O baka naman destiny. Napangiti ako.
"Kilala ko rin ang may-ari nito e. Naging suki na rin ako rito at minsan nakakalibre ako ng pagkain. Tara na."
Pumasok na kami sa loob. Nasa counter lang si Aling Melia kaya agad kami nitong nakita. Tinawag nito ang mga pangalan namin. Nang makalapit ay kinumusta kami nito at tinanong kung magkakilala kami.
Nagulat ako ng inakbayan ako ni Adam. Muntik ko na tuloy mabitawan ang cellphone ko.
"Sa katunayan Aling Melia, jowa ko na itong si Luke. Kakasagot niya lang sa 'kin kanina."
Napatingala ako sa kanya. Gulat na gulat sa sinabi niya.
"Naku, mapagbiro ka talagang bata ka. Nang huli lang ay may dinala kang babae rito at pinakilala mong jowa mo. Sino nga ang pangalan nun. Ashley ba?" Hayag ni Aling Melia. Dito naman ako napatingin.
Tama ba ang narinig ko? May dinalang babae rito si Adam at pinakilalang babae na jowa niya kamo?
Napakamot ng batok si Adam. "Sa katunayan po, hindi ko na jowa ang babaeng 'yon. Matagal na akong nakipaghiwalay dahil nasasakal na ako sa kanya. Pero habol pa rin siya ng habol sa akin. Napilitan lang akong sabihin sa inyo nun dahil baka mag-eskandalo rito sa karenderya niyo. Napagsabihan ko na rin iyon at sa tingin ko hindi na niya ako guguluhin." Paliwang naman ni Adam.
It hit me. I did not thought about that thing. Dapat ay inalam ko muna kung may karelasyon si Adam bago ako pumayag na ligawan niya. Nagpadalus-dalos ako ng desisyon. Pinairal ko ang kalandian ng puso ko. I did not use my brain. Gosh! Ang tanga-tanga ko.
Subalit ang sabi naman ni Adam ay matagal na raw niyang hiniwalayan ang sinasabing babae ni Aling Melia. Pero hindi ko alam kung dapat ko bang paniwalaan ang sinasabi ni Adam.
Sinikap kong tanggalin ang pagkakaakbay ni Adam sa akin at kinausap na lang si Aling Melia kung ano ang masarap sa mga niluto niya. Pinilit ko ring maging normal kahit nakaramdam ako ng pagkahabag sa sarili.
Dahil sa nalaman at reyalisasyon ay nagdadalawang-isip na ako kung dapat ko pa bang payagan si Adam na ligawan ako. Pero agad ko ring naisip na nahulog ako sa kanya kahit pa isa siyang callboy at entertainer sa isang gay bar. Hindi ko rin pwedeng kalimutan ang pinangako ko sarili. I will try to persuade him to leave that kind of life or atleast make him realize things para siya na rin mismo ang kusang aalis.
Pagkatapos makuha ang order ay naghanap na agad ako ng mauupuan. Hindi ko na hinintay pa si Adam at nag-umpisa na akong kumain kahit nawalan na ako ng gana. I shouldn't be mad to him pero hindi ko naman maiwasan.
Mayamaya ay dumating na siya at nilapag ang pagkaing inorder niya. Umupo siya sa harap ko. Hindi ko naman siya tiningnan at nagpatuloy sa pagkain.
"Nagtatampo ka ba sa sinabi ni Aling Melia?" Nag-aalalang tanong niya. Sinulyapan ko siya.
"Huh? Bakit naman ako magtatampo. Jowa ba kita?" Pinilit kong kontrolin at gawing normal ang boses ko kahit pa naiinis ako.
"Nagtatampo ka nga." Saad niya. "H'wag ka ng magtampo. Kahit ganito ako, marunong naman akong magseryoso lalo na sa taong gusto ko."
Tumalon ang puso ko sa narinig. Pero pinanindigan ko pa rin ang pagdedeny. Ayaw kong mahuli sa akto. Baka kung ano pa ang isipin niya sa akin.
"Hindi nga ako nagtatampo. Ano bang pinagsasabi mo. Kung wala, edi wala."
Napabungtong-hininga siya bilang pagsuko. Napansin ko ang pag-abot niya ng kanyang bag at binuksan ito. May hinalukay siya sa loob.
Ilang sandali pa ay may nilapag siya sa mesa. Isang candy na kapareho ng binigay niya sa akin kanina sa klase.
Nang makita ko ang mensaheng nakasulat dito, instant na nawala ang inis ko. Napalitan ito ng ibayong kilig.
Please for give me.
"Sorry na. Promise, seryoso talaga ako sayo. Iyong sinabi kanina ni Aling Melia na may kasama akong babae rito nang nakaraan ay totoo iyon pero iyong tungkol sa nobya, hindi."
Hindi ako nagsalita at nakatitig lamang sa candy na hawak ko. In my mind, ang laki ng ngiti ko.
"Pero kumain na muna tayo. Mamaya na lang tayo mag-usap ng maayos pagkatapos. Hay grabe, ang hirap mo palang suyuin. Para kang babae."
***