Tuluyan nang nawala ang pagtatampo ko kay Adam dahil sa ginawa niya. My bad mood instantly changed into a good one. Kinilig pa ako ng todo dahil sa paghawak niya sa palad ko at bahagya pang hinimas ito. Siya rin ang kumuha nito at nagsimula na siyang kumain.
Hindi ko tuloy alam ang gagawin. Gusto kong magtitili para ilabas ang lahat ng emosyon. Parang sasabog ang puso ko sa kilig. Pasimpleng humugot ako ng hangin. Tuluyan na talaga akong napasailalim sa mahika ni Adam na kahit simpleng ginagawa niya lang ay kaya niyang haplusin ang aking puso. Ang oa ko.
Panaka-naka kaming nag-uusap habang kumakain. Napag-usapan namin ang tungkol sa thesis. Sabi niya, nahihirapan daw siya sa mga kasama niya. Wala rin siyang idea kung ano na ang progress nito dahil nasa trabaho siya kung nagkikita-kita sila.
Parang gusto ko na tuloy sabihin sa kanya ang trabaho niya sa bar. Alam niyang alam kong nagtratrabaho siya roon bilang waiter ayon na rin sa sinabi niya sa pamilya ko. Ang hindi niya alam ay alam ko kung anong klaseng trabaho ang pinaggagawa niya tuwing gabi.
Hindi rin namin napag-usapan ang tungkol sa ginawa niya sa akin noong mga unang beses na nagkilala kami. Gusto ko sanang kalimutan na lang iyon at isipin na hindi nangyari pero habang nakakausap ko ng ganito si Adam ay gustong-gusto kong linawin ang lahat sa kanya.
Natapos kaming kumain na hindi ko siya nakausap tungkol doon. Isa pa't hindi angkop na pag-usapan sa ganitong klaseng pampublikong lugar. Baka may makarinig at kung ano pa ang isipin. Isa pa't baka umusbong ang emosyon ni Adam. Mainsulto ko pa siya't pagmulan iyon ng away. Masyadong pribado at personal ang bagay na 'yon. Kinakailangang makuha ko muna ang loob niya.
"Mayroon pa tayong oras. Saan mo gustong pumunta muna?" Aniya nang lumabas kami sa karenderya.
"Ikaw ang bahala. Saan ba maganda?" Balik na tanong ko. Ngumiti siya sa akin. Lumabas ang maliliit na biloy sa kanyang pisngi. Natunaw ang puso ko.
"Kumakain ka sa karenderya kaya hindi malayong kumakain ka rin ng street foods." Kumislap ang mga mata ko sa pinahayag niya. I was looking forward to it. Nagdilang-anghel ang nasa isip ko kanina.
"Yes of course! Gusto ko rin ng sorbetes."
"Good! Tara!"
Pagkatapos kumain ng ilang street foods, bumili kami ng tig-iisang ice cream. Pumwesto kami sa isang bench para doon kainin ito.
"Pagkatapos ng sem na 'to, saan mo balak mag-OJT?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko pa iniisip 'yan. Saka na kapag natapos ang sem na 'to. Hindi ko nga alam kung matatapos ko 'to e." Sagot niya.
"Bakit naman?"
"Aba, mahirap kaya mag-aral kung nagtratrabaho ka sa gabi. Kulang ka na nga sa tulog, kailangan mo pang mag-aral ng mga lessons. Hindi naman kasi ako ganoon katalino. Tingnan mo, umabot na ako ng limang taon sa kolehiyo pero hindi pa rin ako nakakagradweyt."
Napangiti ako sa isipan. Now, I'm starting a good conversation to him. Nadadagdagan na ang kaalaman ko tungkol sa kanya.
"Atleast. Look at you now, isang sem ng lang after ng sem na 'to, gagraduate ka na. Sa nakikita ko naman hindi ka madaling sumuko." Sabi ko. Binigyan niya lang ako ng isang makahulugang ngiti. Nginitian ko rin siya. Napailing-iling siya. Tila sa ekspresyon niya ay sinasabing wala akong ideya sa pinagdaanan niya.
Ginulo niya ang buhok ko at dinikit sa tungki ng ilong ko ang ice cream na kinakain niya. Bigla akong nainis at sinamaan siya ng tingin. Kinurot niya lang ang pisngi ko. Siya rin ang nagpahid sa ilong ko gamit ang panyo niya.
Hindi ko alam pero kinilig ako sa gesture na 'yon. Ang rupok ko talaga pagdating sa kanya. Ginayuma kaya ako ng lalaking 'to?
"Bilisan mo na. Ubos na ang oras natin. Malayo pa ang lalakarin natin pabalik."
Nakakalungkot man dahil naputol ang pag-alam ko tungkol sa buhay niya, napasaya naman niya ako ngayong araw. Ganito pala talaga ang feeling kapag nililigawan ka ng taong gusto mo.
"Kung may motor ka lang, hindi sana tayo nagmamadali ngayon at hindi pa tayo mapapagod maglakad pabalik ng school." Sabi ko sa nagbibirong boses. Napatitig lang siya sa akin. Sinupil ko agad ang ngiting gumuhit sa aking mukha. Mukhang hindi niya nagustuhan ang pagbibiro ko.
"Uy, joke lang 'yon ha." Pagbawi ko. Medyo kinabahan ako. Baka maturn-off agad siya sa akin.
Napatawa siya at ginulo ang buhok ko. "Alam ko. Pero napaisip ako sa sinabi mo. Huwag kang mag-alala. Makakabili din ako ng ganyan at sinisigurado kong hindi ka mapapagod maglakad sa tuwing nagdideyt tayo." Saad niya.
"Hala, huwag mong seryusuhin. Okay lang naman sa akin ang ganito. Exercise din 'to no."
Kinurot niya ng bahagya ang pisngi ko.
"Ang kyut mo talaga kahit kailan. Matagal ko nang gustong magkaroon ng motor. Hindi ko nga lang mapag-ipunan dahil marami akong gastusin na kailangang punan. Ayoko ring kumuha na hinuhulog-hulugan at baka 'di ko masupurtahan. Sayang lang pera kung nagkataon. Plano ko sanang kumuha kapag nakapagtrabaho na ako, pero ngayon mukhang kailangan ko ng magkaroon nito."
Nagsisi akong biniro ko siya. Sa ginawa ko ay mapapasubo siya sa isang bagay na wala pa sa plano niya ngayon. Pero ang puso ko naman ay ayaw paawat. Hindi ko kasi lubos maisip na kayang gawin iyon ni Adam sa akin. Seryoso na ba talaga siya sa akin?
"Halika ka na Luke."
NANG malaman ng dalawa kung sino ang kasabay kong kumain ay nagtitili ang mga ito. Mabuti na lang at iilang tao pa lang ang nasa silid. Isa pa't may sariling mundo naman ang mga kaklase namin.
Wala akong pinagsabihan sa kanilang dalawa pero bago kami naghiwalay kanina ni Adam ay nakita na kami ng dalawang bruhita. Mabuti na lang at hindi nila kasama si Dwayne.
"Ano bang real score sa inyo ni Adam? Iba na 'yan ha." Tanong ni Danica.
"Anong real score. Sabay lang kaming nag-lunch. Isa pa't pasasalamat ko rin iyon sa ginawa niya sa akin noong nakaraang gabi." Sagot ko. Tinaasan lang niya ako ng kilay.
"Is the dinner not enough? Kailangan may lunch talaga? From what we saw earlier, iba ang aura ninyong dalawa e. There is something." Si Taylor naman.
"Hindi sa dinner lang natatapos ang pasasalamat ko kay Adam. He put his life in risk just to save me. Habang buhay ko 'yon ipasasalamat sa kanya. Tsaka anong something? Huwag nga kayong dalawa. Alam niyo ang malisusyo niyo. Kaya 'di umuunlad ang Pilipinas dahil dinadagdagan niyo ang mga toxic na tao!" Asik ko. Nagkatininginan ang dalawa.
"Defensive Mamsh ha? You make us more curious about you and Adam." Nanunuyang wika ni Danica.
"Kayo kasi e. Tigilan niyo na nga ako!"
"You know us. Titigilan ka lang namin kapag sinabi mo na ang totoo. We're friends for like four years already. We tell secrets. Okay, we have our personal secrets that shouldn't be revealed pero sa mga ganitong bagay hindi dapat ito tinatago. Malalaman at malalaman din sa huli. It's insulting kung sa ibang tao pa namin malalaman 'di ba?" Si Danica. Pinanlamigan tuloy ako ng kamay.
Hangga't maari ay ayaw kong ipaalam muna sa kanila na nanliligaw sa akin si Adam. Ayaw kong ng issue. Hindi naman magiging issue ito for them pero knowing this two lalo na si Dwayne, baka hindi magtagal ay sasagutin ko na si Adam. Mahilig pa namang umentra ang mga ito. Isa pa't kahit bet nila si Adam, ayaw naman nila ang ginagawa nito.
"Agree. Kami ang kaibigan tapos kami ang walang alam." Panunudyo pa ni Taylor.
"Nangungunsensya ba kayo?" Sarkatik kong tanong.
"Sort of." Sagot ni Danica. Napatawa silang dalawa. I sighed in defeat. Wala akong nagawa kung 'di ang umamin sa kanila. Ayaw ko ring mangyari ang sinasabi nila. Kung ako ang nasa posisyon nila ay masasaktan din ako.
Napatili sila ng pigil pero malakas pa rin ang kinalabasan. Ako na mismo ang humingi ng pasensya sa mga kaklase namin na ngayon ay nadadaragdagan na.
Sunod-sunod ang tanong sa akin ng dalawa. Kung kailan ba daw nag-umpisa. Kung nag-lunch kani ay first date daw namin. Saan daw kami kumain. Ano ang kinain namin at marami pa na kahit kaunting detalye ay itatanong pa. Halos hindi ko na masagot-sagot ang iba. Mabuti na lang at dumating na si Professor Larioza. Save by the bell!
Pagkatapos ng klase ay agad akong nagpaalam sa dalawa. Pupunta pa ako ng flowershop. Nagteks kasi si Daddy-tito na pupunta siya roon para itsek ang monthly sales report at bisitahin ang shop. Ayaw kasi niyang iniemeyl iyon. Maliban na lang kung busy siya.
Nagteks din sa akin si Adam. Ingat daw ako sa pagpunta sa shop. Hindi niya raw ako maihahatid dahil may klase pa siya. Napangiti ako at kinilig na rin. Sana magtuloy-tuloy na ito.
Hindi rin nagtagal si Daddy-tito sa flowershop dahil pupuntahan pa niya si Daddy sa site kung saan ginagawa ang mall na ipapatayo nito. Titingnan niya kung nakakain na raw ito. Kahit pa daw kasi nagsabi na ito sa tawag na kumain na, hindi pa rin napapanatag ang loob niya. Si Dad kasi kung nagtratrabaho ay napakaseryoso. Nakakaligtaan nito ang kumain kaya iyon ang pinag-aalala ni Daddy-tito. I find it really sweet. Fifteen years had passed but they are still the parents I used to know. Maraming nagbago but their love for each other. May mga pinagdaanan din silang dalawa pero nalalagpasan nila iyon. Sabi ni Daddy-tito, importante sa relasyon ang tiwala sa isa't-isa.
Kung magiging kami ni Adam, pagdududahan kaya namin ang isa't-isa? Mangyayari iyon, sigurado, pero sana kahit ganoon ay pairalin pa rin namin ang tiwala sa aming relasyon.
Napailing-iling ako. Ang advance ko naman ata mag-isip. Nanliligaw pa nga lang ang tao e. May posibilidad pang itigil niya iyon. Pero huwag naman sana. Unang beses kong makaramdam ng ganito kasaya.
Nawala ako sa pag-iisip nang tumunog ang phone ko. Unknown number. Hindi ko ito sasagutin dahil may phobia na ako sa ganito. I was in grade six nang may tumawag sa akin na numero lang. Nang sagutin ko ang tawag pinagbantaan nito na papatayin daw ang parents ko kung hindi ko ito susundin. Huwag daw akong magsumbong dahil lagot daw ang parents ko. Takot na takot ako nun at ilang araw pa bago ko ipinaalam pagkatapos makakuha ng pera at ilang mahahalagang gamit ng mga magulang ko na pasekreto kong kinuha sa kanilang kwarto ang caller na iyon. Mabuti na lang at mabilis itong nahuli. Nabawi ang ilang mga gamit. Nakulong ito. Hindi ko alam kung nakalaya na ito.
Ipagsasawalang bahala ko na lang sana pero paulit-ulit itong tumatawag. Iba-block ko na nang nagmensahe ito. Sagutin ko raw ang tawag dahil si Kuya Dante ito.
Napa-hala ako. Kaya nang tumawag ulit ito ay agad ko iyong sinagot. Oo nga pala't nandito na siya sa Pilipinas. Nakalimutan ko rin siyang imensahe sa i********: dahil na rin sa nangyari sa akin.
"Hello?"
"Hi Baby boy! Finally, sinagot mo rin." Sagot ng baritonong boses. Lumalim na ang boses nito. Noong huling kita namin ay despedida party nito paalis patungong China. That was 10 years ago.
Pinasigla ko naman ang boses ko.
"Hi Kuya Dante! It's been a long time. Pasensya na't hindi ko nasasagot ang messages mo sa mga social media accounts ko. 'Di kasi ako mahilig tumabay. Well anyway, how are you na?"
"I'm very good. It nice to be back here lalo na't malaki ka na." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita. Narinig ko siyang tumawa. "Kidding aside. Anyways, may gagawin ka ba mamaya? Can I invite you for dinner?"
Natigil ako. Ito na kaya ang sinasabi ni Dwayne? My gosh! Paano ba ako tatangi nito?
"Please. Pagbigyan mo na ang Kuya Dante. I miss you baby boy. You know that you are favorite. May ibibigay din kasi ako sayo e. Don't worry, ihahatid kita sa inyo pauwi. I'm going to call your parents para ipagpaalam ka."
Gusto ko sanang tumanggi pero napangunahan ako ng hiya. Hindi naman siguro masama kung pagbigyan ko siya. Isa pa ay napakabait niya sa akin noon. Kung anu-ano ang binibigay.
"Okay. Saan ba tayo magdidinner?"
Napa-yes siya ng malakas. Tinanong niya ako ulit para makasigurado. Nang seryoso ako ay narinig ko ang pagkatuwa niya. Kinabahan tuloy ako.
"Iteteks ko sayo ang lugar. Don't worry, you're safe with me. Takot ko lang sa Daddy mo." Aniya at napatawa. Kunwaring napatawa naman ako. Naiilang ako kahit hindi ko siya kaharap.
"It's nice talking with you again Baby boy. Thank you sa pagpayag. Excited to see you again. Bye!"
"Bye!" Sabi ko at pinatay ang tawag. Mabait naman si Kuya Dante pero kinakabahan talaga ako sa kanya. Kung bakit pa kasi sinabi ni Dwayne na may gusto ito sa akin. Hindi ko dapat paniwalaan 'yon dahil hindi ko nakikitaan ng pagkabaliko si Kuya Dante pero sa paraan ng pakikipag-usap nito sa akin, parang naniniwala na ako kay Dwayne. Who knows. Marami ng paminta sa panahon ngayon. Closeted queen. Matikas at matigas ang panlabas na pangangatawan pero malambot pala ang kalooban. Mas diyosa pa sila sa babae.
Napabuntong-hininga ako. Wala na akong magagawa dahil pumayag na ako. Ayaw ko rin naman maging masama sa tingin nito. May pinagsamahan kami dati.
"May problema ba ang prinsesa ko?" Napapiksi ako sa gulat nang may nagsalita mula sa likuran ko. Agad akong napaharap dito at ganoon na lang ang pagbilis ng t***k ng puso ko nang mabungaran ko si Adam.
Nakangiti ang loko. Kinindatan pa ako.
"A-Anong ginagawa mo rito?" Nauutal na tanong ko sa kanya.
"Binibisita ka siyempre!" Sagot niya sabay lagay ng isang rosas sa tainga ko. "Bulaklak para sa isang magandang prinsesa. Magandang hapon." Inabot niya ang kamay ko at hinalikan ang likod nito.
Napaawang ang labi ko sa ginawa niya. Nang marinig ko ang tikhim sa likod ko ay agad kong binawi ito. Pinamulahan ako ng pisngi.
"Paki-ayos nga ng bulaklak do'n Joanne." Utos ko sa bruha na mukhang kinikilig sa nasaksihan. Tsismosa pa naman ang gagang 'to. Hindi malayong malaman ng lahat ng kasama namin sa shop ang ginawa ni Adam.
"Tapos ko ng ayusin ang mga 'yon Sir Luke." Nakangiting sagot nito.
"Ang mga bagong deliver na bulaklak? Naayos mo na ba? Pakiaayos nga 'yon."
"Tayong dalawa ang nag-ayos kanina Sir. Tapos na rin."
"Ah e ang—" nablangko na ako. Sa inis at labis na hiya ay tinalikuran ko silang dalawa ni Adam at nagmamadaling pumasok sa opisina. Napahawak ako sa dibdib. Deretso agad ako sa mesa at naghanap ng gagawin. Pero natapos ko na pala lahat ng paper works kanina. Gosh! Kung bakit ba kasi pumunta pa ang Adam na 'yon dito at ipahiya ako sa empleyado ko? At ang damuho, tuwang-tuwa pa kanina habang natataranta ako.
Napasabunot tuloy ako sa buhok. Akala ko susunod si Adam pero lumipas ang ilang minuto ay hindi siya pumasok. Sinilip ko siya mula sa glass door. Ayun ang damuho, prenteng nakikipag-usap kay Joanne. Mas lalo akong nainis. Iritable akong tumayo at binuksan ang glass door. Tinawag ko si Adam.
"Kung gusto mo akong makausap, pumasok ka rito." Sabi ko lang at bumalik sa mesa. Pumasok naman agad ang ulupong.
"Ang init ng ulo natin a." Aniya nang makaupo sa upuan sa harap ng mesa ko.
"Hindi nu! Mainit ka diyan. Teka, anong ginagawa mo rito? 'Di ba may klase ka ngayon?" Napatingin ako sa wristwatch ko.
"Absent si Ma'am kaya dumeretso agad ako rito." Paliwanag niya. Napatango-tango lang ako. Nawala na ang inis ko at napalitan na ito ng pagkailang. Napatungo ako nang mapansing titig na titig siya sa akin.
"Stop it!" Saway ko sa kanya. Ngumiti lang siya.
"Luke, bakit ang ganda mo? Alam mo bang maganda ka para sa isang lalaki. At sa tuwing nakikita kita, mas lalo kang gumaganda." Sambit niya. Bilang nang-init ang pisngi ko. I'm sure, pulang-pula na ito ngayon.
Inabot niya ang buhok ko at ginulo ito. "Tigilan mo nga ang pagpapakyut. Parang gusto tuloy kitang lukutin para magkasya sa bulsa ko at dalhin pauwi sa apartment."
"Are you insulting me?"
"Hindi a. Compliment 'yon." Depensa niya. "Sure ka bang walang ibang lalaking nanliligaw sayo?"
Ako naman ang napangiti.
"Kapag sinabi kong meron, magagalit ka ba?"
Biglang nangunot ang noo niya. Mukhang nainis pa nga siya pero agad niya iyong binawi. Kinilig ako.
"Bakit naman ako magagalit? 'Di hamak na mas gwapo naman ako sa kanila. Sigurado rin akong 'di ka nila kayang iligtas sa masasamang tao. Pero sa totoo lang walang ako karapatan na pigilan ang ibang lalaki na manligaw sayo dahil maganda ka para sa isang lalaki. Isa pa't ang bait-bait mo pa kaya hindi malayong maraming lalaki ang magkakagusto sayo."
"Dapat na ba akong kiligin niyan?" Natatawa kong sabi. "Atsaka huwag ka ngang oa. Inaamin kong may nagpapansin sa social media pero hanggang doon lang naman. Ikaw lang ang personal na nagpahayag ng pagkagusto sa akin e." Pag-amin ko. It takes a lot of strength to tell this to him.
"Dapat na ba rin akong kiligin niyan?"
Napatawa kaming pareho.
Naging kumportable na rin ako sa kanya kalaunan. Minsan lang ay hindi ko pa rin maiwasan ang mailang. Pero he made my day complete. Sobra na nga ang lunch date na nangyari kanina e. Sana hindi na ito matigil pa.
Lumabas din kami ni Adam sa opisina. Gusto raw niyang tumulong sa shop. Nagkaroon tuloy ako ng dagdag na lakas na pwede ko siyang i-hire dito at sabihin na itigil na niya ang pagtratrabaho sa club.
Kasalukuyan kaming nag-aayos ng bouquet nang mapansin kong napatigil siya sa paggupit ng dahon ng isang bulaklak. Nang iangat ko ang tingin sa kanyang mukha, nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo habang may tinitingnan na kung sino. Sinundan ko ang kanyang tingin. May isang lalake na nasa trenta pataas siguro ang edad na papasok ng shop. Nang tingnan ko uli si Adam, nakita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata. Agad niyang binitawan ang hawak na gunting at bulaklak at nagpaalam na magbabanyo.
Nang sundan ko siya ng tingin, panay ang tingin niya sa lalaking kapapasok lang sa shop. Nang bistahan ko ito ng mabuti, na-sense ko agad na katulad ko ito.
Kinabahan ako.
Sana mali itong iniisip ko.
***