Chapter 7: Wala pa

2660 Words
Habang lulan ng kotse papunta sa restaurant kung saan kami magdi-dinner ni Kuya Dante, nasa pangyayari sa flowershop lang ang naiisip ko. Hindi ko man naitanong kay Adam, malakas ang pakiramdam kong may kaugnayan siya sa lalake. Ganoon na lang kasi ang reaksyon niya nang makita ito. Nagtago pa siya sa banyo. Imposibleng magtagal din siya roon ng halos sampung minuto bago lumabas. Lumabas lang din siya nang makaalis na ang lalake. Isa kaya ito sa mga customer niya? Ayaw ko mang isipin pero sa klase ng trabaho niya ay hindi malayong mangyari iyon. Para tuloy madudurog ang puso ko. Pero anong magagawa ko? Pinasok ko ito. Nagpaligaw ako sa katulad niya. Alam ko naman na hahantong sa ganito pero mahirap din pala kapag nangyayari na. Nasasaktan na ako kahit ganito pa lang kami. What more kung naging kami na talaga? Kakayanin ko kaya? Pagkaalis ng lalake sa shop ay nagpaalam din sa akin si Adam. May gagawin pa raw siyang importante. Tumango lang ako bilang tugon at hinayaan siyang umalis. Masaya na sana ang buong araw ko pero nasira lang ito. Gayunpaman, kailangan ko itong harapin. Kung gusto kong baguhin si Adam, handa dapat ako sa maaring mangyari. At dapat ko ring tanggapin ang nakaraan niya kung mamahalin ko siya ng buo. The past can no longer be changed but the future can so that the history will not happen again. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa BGC. Gusto ko na sanang umatras dahil isa dito sa mga high end na gay bar nagtratrabaho si Adam. Baka magtagpo ang landas namin. Mahirap na. Kasama ko ang dalawang bodyguard nang pumasok kami sa building kung saan naroroon ang restaurant. Lumayo din sila nang makarating doon. Hinanap ko agad si Kuya Dante pagkapasok sa naturang restaurant. Dahil hindi ko pa siya nakikita in person for ten years, at hindi rin ako sigurado sa mukha niya kahit sinipat ko sandali ang picture niya sa i********:, nagtanong ako sa receptionist. Tinuro niya sa akin ang mesang pinareserve nito pero wala pang tao roon. Napailing-iling ako. Nauna pa ako kaysa sa nagyaya. Medyo nakakadisappoint. Nagmukha pa tuloy akong excited sa dinner na 'to. Napabuntong-hininga na lang ako. Parang walang buhay na umupo ako sa mesa. Hindi ako makaget-over. Naipit na nga kami sa traffic pero nauna pa rin ako rito. Kinuha ko na lang ang menu na nasa table at tiningnan ang mga pagkain. Nasa kalagitnaan ako ng pagbaba nang may tumikhim sa likuran ko. Naibaba ko agad ang menu at tumayo sa kinauupuan. Pagtingin ko rito, nakangiti ito ng malapad. Para akong nakaharap sa isang Chinese actor. Iyong mga bida sa mga romance drama. Mas gwapo si Kuya Dante sa personal kaysa sa mga picture niya. Na-starstruck tuloy ako. "Hey, Luke. Is it you? Dwayne's right! You grown up into a fine boy." Aniya sabay yakap. Nailang ako sa ginawa niya. "Hi, K-Kuya Dante. Nice to see you again. It's bee a long time." Bati ko nang humiwalay siya ng yakap pero naiwan naman ang mga kamay niya sa magkabilang-braso ko. "Yeah it's been a long time. I can't believe what I'm seeing right now. Hindi ako nagkamali noon. Lalaki ka ngang magandang lalake." Sabi pa niya. Napatawa lang ako at nagpasalamat. Nagsisi tuloy akong pumayag na magdinner na kaming dalawa lang. Sana inaya ko si Kuya Duke o ang bruhitang si Dwayne. Sobra na akong naiilang ngayon. "And to inform you, I was waiting here for 20 minutes already. Nagbanyo lang ako. Siguro kakarating mo lang?" Dagdag pa niya. Tumango ako bilang sagot. Somehow, natanggal ang inis ko. Buong akala ko, ako talaga ang naunang pumunta rito. Napailing ako sa isipan. Ginawa ko talagang big deal iyon ano. Pagkuway inaya niya na rin akong umupo. Pinapili agad niya ako ng gusto kong kainin. Nang makapili kaming pareho ay tinawag niya na ang waiter at sinabi namin dito ang aming order. Pagkaalis nito, napatitig naman sa akin si Kuya Dante suot pa rin ang kanyang ngiti. Hindi ko na alam kung saan ibabaling ang tingin. Ganito nga pala talaga kapag nakita mo ulit ang isang tao pagkalipas ng mahabang taon lalo pa't nalaman mong may kung anong pagtingin ito sayo. Hindi sa pagiging assuming pero halata rin kasi. Nevertheless, hindi ko rin matukoy kung anong klaseng pagtingin. It's too early to conclude things. "I can't take my eyes off you. Hindi ko akalain na magiging ganito ka. Nagsisi tuloy akong hindi ako umuuwi dito sa Pinas at para bisitahin ka." Pahayag niya. Nahigit ko ang hininga at hilaw na tumawa. Jusko, I'm getting obvious. Parang gusto kong tawagan si Dwayne at bungangaan. Baka kasi kung anu-ano ang pinagsasabi niya rito kay Kuya Dante kung bakit ganito na lang ito magsalita sa akin. Para maiwasan ang nakakailang na sitwasyon ay nagtanong na lang ako sa naging buhay niya sa China. Masaya niyang ikinuwento ang nangyari sa kanya roon. Nalaman kong muli siyang nag-aral. At habang kumukuha ng bagong kurso ay nagtatrabaho naman siya. Isa na siyang Licensed Engineer ngayon. I can say he's really a good catch. "I want to stay here for good but my carreer is in China. Mahirap din kasing iwanan iyon. I work hard for it. Isa pa't nandoon na rin halos lahat ng pamilya namin maliban sa pamilya ni Dwayne." Nagtaka ako. Sabi ng bruhang Dwayne ay mag-iistay na raw siya for good dito? Well, pabor naman din sa akin 'yon. Hindi rin pala siya magtatagal dito sa bansa. "So kailan ang balik mo?" Pang-uusisa ko pa. Hindi ko alam pero para akong nabuhayan ng loob. Naisip ko si Adam. Talagang nilamon na ng lalaking 'yon ang isipan ko. At parang siya lang ang gusto kong manligaw sa akin at wala ng iba pa. "That hurts. Kakauwi ko pa nga lang dito, gusto mo na agad akong pabalikin?" Sabi niya sa nasasaktan na boses. Para mas maging kapani-paniwala ay hinawakan pa niya ang dibdib niya na tila nasasaktan. Napatawa ako for the first time. Kanina pa siya pumi-pick up ng joke pero ngiti lang ang naitutugon ko. Nakita ko siyang nagulat. Sinupil agad niya iyon at napalitan na naman ng ngiti. "It's a relief that I made you laugh. Smile more often, okay? You look dazzling and beautiful." Muli na naman akong nailang. Sa halip na sagutin siya ay sumubo na lang ako ng pagkain. Sa hiya ay nagsunod-sunod ang pagsubo ko. Medyo naiinis ako sa sarili. Bakit nahihirapan akong umakto ng normal sa lalaking 'to? But I think it's considerable because we just met after a decade. "Hinay-hinay lang. Mabulunan ka." Pagkatapos kumain ay sandali lang kaming nag-usap at umalis agad sa restaurant. Nagdahilan akong may maagang delivery kami ng bulaklak. Nakita ko ang pagkadismaya ni Kuya Dante pero pinanindigan ko na ang pagsisinungaling. Hindi na kasi ako kumportable. We used to know each other pero iba na ngayon. Kung naging kaswal lang sana siya sa pakikipag-usap sa akin ngayon, hindi sana ako makakaramdam ng ganito. Nag-offer siya na ihatid ako pauwi pero tumanggi na ako. Nagsabi akong may kasama akong mga bodyguard. Hindi naman siya nagkomento at hindi na namilit na ihatid ako. Pero nagsabi siyang bibisita siya sa bahay at sa flowershop. Nagsisi akong ikinuwento ko iyon sa kanya. Naglalakad kami sa isang pasilyo nang may mapansin akong pamilyar na bulto. Nakatalikod ito sa direksyon namin. Nakatutok ito sa kanyang cellphone. Hindi pa man ito humaharap ay napagsino ko agad ito. Kinabahan ako. Balak ko pa sanang ayain si Kuya Dante na dumaan sa kabilang pasilyo pero humarap na si Adam. Pagkakita niya sa amin, nangunot agad ang kanyang noon. Natigil ako sa paglalakad. Napahinto rin si Kuya Dante at sinundan ang tinitingnan ko. Sahig, bumukas ka at lamunin mo na ako pababa! Kung tutuusin wala akong ginagawang masama pero pakiramdam ko, pinagtataksilan ko si Adam. At ngayon huling-huli ako sa akto. Naglakad siya papalapit sa amin suot ang naiinis na mukha. Masamang tingin ang pinukol niya kay kuya Dante nang ilipat naman niya ang tingin dito. "Do you know him?" Tanong ni Kuya na hinahamon din ng tingin si Adam. "Anong ginagawa mo rito? Sino siya?" Tanong din ng huli. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kahit parang ang layo na magkita kami, posible pa ring mangyari dahil nasa iisang lugar lang kami. Dahil parang may namumuong tensyon sa pagitan nilang dalawa, ipinakilala ko sila sa isa't-isa. "Kuya Dan, si Adam. Kaibigan at kaklase ko. Adam, si Kuya Dante. Kaibigan ko rin." Nang tumingin ako kay Adam, nangunot ang kanyang noo. Parang may hinihintay din siyang sasabihin ko. Napalunok ako. Ayos lang kaya sa kanya na sabihin kong nanliligaw siya akin? Hindi ba siya mahihiya? Napamulagat ako nang siya na mismo ang nagsabi nun kay Kuya Dante. Nakita ko ang pagkagulat ng huli. Hinihintay kong maasiwa ito pero hindi. "May manliligaw ka na pala?" Tanong nito sa akin. Nahihiyang tumango ako. "Well, manliligaw pa lang naman. Hindi pa sinasagot. Hindi pa kayo. I still have the chance. A BIG CHANCE." Anito na may diin ang boses. Napansin ko ang paglapit ni Adam sa akin. Nang makatabi ay pinagsugpong niya ang mga kamay namin. Nabaling doon ang tingin ni Kuya Dante. "Hindi pa nga kami pero alam kong malapit na akong sagutin ni Luke." Mariing sabi rin ni Adam. Bago pa lumala ang tensyon sa pagitan nilang dalawa, nagpaalam ako kay Kuya Dante na kakausapin ko lang saglit si Adam. Parang mag-aatubili pa ito pero tumango rin. Agad kong hinila si Adam palayo rito. "Sino ang lalaking 'yon Luke? Bakit kayo nandito? Saan kayo nanggaling at mukhabgng enjoy na enjoy kayo. Nanliligaw ba sayo 'yon? Matanda na 'yon a?" Sunod-sunod na tanong ni Adam. Mas lalo akong kinabahan. Kahit mahinahon ang kanyang boses, nakikita ko naman ang galit sa kanyang mukha. "Pwede isa-isa lang? Hindi siya nanliligaw, okay? Kumain lang kami sa restaurant malapit dito. It's a friendly dinner. Atsaka matagal ko ng kaibigan si Kuya Dante. Pinaunlakan ko lang ang imbitasyon niya dahil matagal din kaming hindi nagkita." Paliwanag ko. Ayaw ko sanang mag-assume pero nagseselos ang damuhong ito. Kinakabahan man ay natutuwa ang puso ko. "And he's 31. Hindi na pa naman matanda 'yon." Dagdag ko pa. "Hindi matanda pero sampung taon ang agwat sayo. Paano kayo nahing magkaibigan?" Giit niya. "Ano naman kinalaman ng agwat ng edad namin kung bakit kami naging magkaibigan?" Tanong ko. Hindi agad siya nakasagot at napaiwas lang ng tingin. Nagsampukan ang kanyang mga kilay. I find it cute. Parang gusto ko tuloy siyang sunggaban ng halik. Say what?! Napailing-iling ako sa isipan. "Ah basta! Huwag ka ng sasama sa lalaking 'yon. Alam ko kung ano ang balak niya sayo!" "Ano naman ang balak niya, aber?" "Manhid ka ba o nagmamahid-manhidan lang? Itong mahirap sayo e, may pagkainosente ka. Nakakainis! Alam mo na ngang may nanliligaw sayo, sumasama-sama ka pa sa ibang lalaki!" Siguro kung nasa ibang sitwasyon lang ito ngayon, hindi ko mapipigilang ipakita ang kilig ko. Pero dahil ganito ang nangyayari, nanatili akong kalmado. Iyon lang ay parang sasabog na ang puso ko sa sobrang kilig. Ang kyut lang kung magselos nitong si Adam. Para siyang batang inaagawan ng laruan. "Wala namang masama roon a. Atsaka sinabi ko ng kaibigan ko siya 'di ba? Mahirap bang intindihin 'yon? Kung makapag-react ka riyan, akala mo tayo na." Sinamaan niya ako ng tingin. "'Yon na nga ang problema e, hindi pa tayo. Wala pa akong karapatang magalit. Wala pa akong karapatang magselos. Wala pa akong karapatang ipangalandakan na akin ka." Hindi ko napaghandaan ang sunod niyang sinabi. Gusto ko lang naman siyang hamunin. Parang gusto ng kumawala ng puso ko sa dibdib. Sahig, bumukas ka na at lamunin mo na talaga ako pababa! Hinawakan ni Adam ang mga kamay ko at inangat ito pataas hanggang pumantay sa dibdib niya. "Seryoso ako sayo Luke, kaya sana bigyan mo ako ng chance. Sa ngayon pagbibigyan kitang makipagkita sa mga kaibigan mong lalake na may balak na iba sayo. Pero kapag naging tayo na, sa akin na lahat ng atensyon ko. Sa akin lang at wala ng iba." Seryusong saad niya. Gusto ko ng umuwi at gumulong-gulong sa kama ko. Kainis na lalaking 'to. Bakit ganito na lang ito kung magsalita? Nagsasalita naman siya ng ganito kanina pero hinahaluan niya iyon ng biro. Para hindi mapaghalataan ay kunwaring tinasaan ko siya ng kilay. "Confident ka na talagang sasagutin kita nu?" "Siyempre naman. Wala pang tumatanggi sa isang Adam Arthur Ramirez. Isa pa't sayo lang ako ganito. Ikaw lang ang niligawan ko." Hanggat maari ay ayaw kong isipin ang mga ginagawa niya. Isinaisip ko na huwag pansinin iyon pero dahil nandito siya sa lugar kung saan siya nagtratrabaho at gumagawa ng kababalaghan, nalulungkot ako. Pero mas matimbang pa rin ang kasiyahang nadarama ko ngayon. Magsasalita pa sana ako nang narinig kong may tumikhim sa 'di kalayuan. Napatingin ako kay Kuya Dante na nakangiti ng bahagya. Napamura ako sa isipan dahil halos nakalimutan ko na siya. Binawi ko ang mga kamay kay Adam at nagsabi sa kanyang sandali na lang. Humarap ako kay Adam. "Ahm uuwi na ako. Tsaka ano nga pala ang ginagawa mo rito?" Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Adam sa naging tanong ko. Kahit alam ko na, gusto ko pa rin malaman ang sagot niya. "Ah ano. Ahm-siyempre! Magtratrabaho. 'Di ba waiter ako sa isang bar dito?" Nauutal niyang sagot. Nadismaya ako. Sana darating ang oras na siya na mismo magsasabi kung ano talaga ang trabaho niya. Pero sa tingin ko naman ay alam niya na alam ko na kung ano ang ginagawa niya. Kapag nagkaroon na ako ng sapat na lakas ng loob ay ako na mismo ang magbubukas ng usaping iyon. Bago ko siya sagutin ay mapag-usapan na sana namin iyon. Hindi na ako nagkomento pa at nagpaalam na lang sa kanya. Nag-atubili pa sana siya pero tinalikuran ko na siya at bumalik kay Kuya Dante. Agad ko itong inaya. "Siya ba ang maghahatid sayo?" Habol na tanong niya nang mag-umpisa kaming maglakad. "Yes. Just like a real suitor does!" Itatama ko sana ang sinabi ni Kuya Dante pero hinayaan ko na lang. Natuwa ako sa reaksyon ni Adam. Halatang galit at selos na selos pero nanatili lang siya sa kinatatayuan. Nginitian ko na lang si Adam at kumuway sa kanya bilang pagpaalam. Pagdating ng parking lot, tinanong ako ni Kuya Dante si Adam. Inaasahan ko na ito mula sa kanya. "That Adam, I don't like him. Maangas at mukhang Pabling. Talaga bang nanliligaw sayo 'yon?" Nailang ako. Kung makapagsalita kasi itong si Kuya Dante ay parang close na kami. Parang hindi angkop na maghimasok siya at magtanong sa akin ng mga ganitong bagay. Oo, naging magkaibigan kami pero naputol iyon ng mahabang panahon. Hindi na namin kilala ang isa't-isa. Atsaka nakakabilib ang pagiging prangka niya. Kunsabagay, tumagal siya sa China. Ganoon marahil ang impluwensyang nakuha niya. Sinabi ko sa kanya ang totoo. Agad siyang nagkomento tungkol kay Adam. Para sa kanya ay pabling daw ito. It takes one to know one. Sinasabihan niya rin mismo ang sarili niya. Mga lalake nga naman. Ang tataas ng pride. Ayaw patalo kahit alam nilang talo na sila. Marami na siyang sinasabi kaya pinutol ko na ito. Nirason ko ang maagang pagpunta sa shop. Hindi naman siya nangulit pa. Nang tumalikod na ako ay mabilis niyang hinawakan ang kamay ko. Napaharap ako sa kanya. "Bakit Kuya?" Hindi siya agad sumagot at napatitig lang sa akin. Nabalot na naman ako ng matinding ilang. "I like you..." Napaawang ang labi ko sa narinig. Hindi ko inasahang sasabihin niya ito. At nasundan pa ang pagkagulat ko nang biglang sumulpot si Adam sa kung saan at inagaw ang kamay ko kay Kuya Dante. Marahas niya akong hinila papunta sa kotse ko. "Mga boss, pakihatid na nga nito!" ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD